Proseso ng pagsasalin at anotasyon sa mga napiling tula nina Sharon Olds at Stephen Dunn tungo sa wikang Filipino
Date of Publication
2014
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Translation Studies
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Ramilito B. Correa
Defense Panel Chair
Raquel E. Buban-Sison
Defense Panel Member
Rowell D. Madula
Abstract/Summary
Sa ginawang pag-aaral, makikitang gumamit ng dalawang tula upang maisagawa ang papel na ito. Ang Sex Without Love ni Sharon Olds pati ang Poems For People That Are Understandbly Too Busy to Read Poetry ni Stephen Dunn na parehong ginawan salin pati anotasyon upang maibigay ang nais ipatupad sa naging pagsusuri sa papel. Ang parehong tula ay likhang isinulat sa wikang Ingles at bumuo mula sa mga nilalamang konsepto nito, nang salin na tapat sa nais ipahiwatig ng awtor pati na rin ng mga tula. Bago pa man sinimulan ang pag-aaral, binasa ang mga ito nang paulit-ulit upang maunawaan ang mga konsepto napapaloob sa mga tula, ang mga metafora nito pati narin ang mga importanteng impormasyon na dapat bigyan ng masusing pansin. Dahil mga tula ang napiling gawin sa pag-aaral, may mga problematikong salitang may kahirapang hanapan ng katumbas sa wikang Filipino pero sa gabay ng teorya ni Mildred Larson (Meaning-Based Translation) pati na rin ang mga ideya ni Burton Raffel (The Art of Translating Poetry) sa pagsasalin ng mga tula nagkaroon ng diskusyon ang tagasalin sa anotasyong bahagi na makikita sa Kabanata IV at V.
Makikita sa pagpapakita ng datos ang buong tula, pati na rin ang salin nito sa tunguhang lengguwahe pati narin ang pagpapaliwanag ng proseso kung paano nagamit ang mga salitang ginamit sa salin bilang mga katumbas nito sa orihinal na teksto. Sa pagbuo ng rebisyon nakita ang mga lugar na may problema sa anotasyon at inayos ito upang maging makabuluhan at maliwanag ang proseso ng paglilipat ng mga ideyang nakapaloob sa mga tula.
Mahalaga ang mga napiling awtor na naging gabay sa pag-aaral na naisagawa ng tagasalin dahil mas nagkakaroon ng pag-aangkop ang mga salita, paghahanap ng mga katumbas na mga tayutay sa baybaying salita sa wikang Filipino, pati na rin ang tula bilang isang sining na hindi nalilimita sa dami ng mga ginagamit na salita nito. Sa tulong ng mga konseptong naipakita sa pag-aaral, inaasahang magiging gabay ito sa mga taong nais pumasok at magsimula ng sarili nilang pagsasalin ng mga tula mula sa Ingles tungo sa wikang Filipino.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU21427
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
105 leaves ; 28 cm.
Keywords
Filipino language; Poetry; Poetry--Translating
Recommended Citation
Abella, J. (2014). Proseso ng pagsasalin at anotasyon sa mga napiling tula nina Sharon Olds at Stephen Dunn tungo sa wikang Filipino. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2737