Ang docomtire na word of the Lourd: Ang paglalarawan ng imahe ni Gloria Macapagal-Arroyo sa kutya, tawa, at kritisismo ni Lourd de Veyra
Date of Publication
2012
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Mass Communication
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Rhoderick V. Nuncio
Defense Panel Chair
Teresita F. Fortunato
Defense Panel Member
Emma A. Basco
Abstract/Summary
Ang palabas na Word of the Lourd ay may sariling istilo o pamamaraan sa pagkalat ng impormasyon at pati na rin sa pagbibigay ng aliw sa mga manonood. Lumulutang ang paggamit nito ng tawa o humor upang magbigay ng opinyon, komento, o puna tungkol sa iba't-ibang paksang tinatalakay ng palabas. Sa pag-aaral ni Dr. Rhoderick Nuncio (2010), Saysay at Salaysay ng Pantawang Pananaw mula Pamumusong hanggang impersonasyon sa librong Sangandiwa: Araling Filipino bilang talastasang pangkalinangan at lapit-pananaliksik, na madalas ginagamit ang tawa at kritisismo lalo na sa mga sikat, matataas o makapangyarihang tao tulad na lamang ng mga sikat, matataas o makapangyarihang tao tulad na lamang ng mga may katungkulan, maaaring artista, o hindi kaya ay maimpluwensyal na tao, gaya na lamang ni Gloria Macapagal-Arroyo. Naging laman ng midya ang dating pangulo, hindi lamang sa mga kinasangkutan niyang isyu o kontrobersiya pero pati na rin ang maging paksa ng katatawanan. Ang pagkatao ni GMA at ang mga usapin tungkol sa kanya ang naging pagsasalamin ng kanyang imahe. Maraming pamamaraan ang nagamit na upang ipakita ang imahe ni GMA, mayroong mga caricature, pagbibigay ng puna at pagtatalakay sa kanya sa midya (mga pahayagan, telebisyon, at radyo), impersonasyon sa entablado at sa mga palabas na komedi sa telebisyon.
Ang tesis ay tungkol sa paggamit ng kutya, tawa, at kritisismo sa paglalarawan ng imahe ni Gloria Macapagal-Arroyo sa palabas na Word of the Lourd. Binigyan ng mananaliksik ng pangalang docomtire, mula sa tatlong salita na documentary, commentary at satire, ang uri ng palabas na ito ni Lourd de Veyra. Sinuri sa tesis ang teksto ng palabas na mula sa limang paksang napili tungkol sa mga isyu, usapin, o kontrobersiya sa panahon ng panunungkulan bilang pangulo ni Gloria Macapagal-Arroyo. Mauunawaan sa tesis ang uri ng palabas na docomtire at ang paggamit ng Media Semiotics ni Jonathan Bignell (2002), ang librong sinulat ni Leonard Feinberg (1967) na Introduction to Satire, at ng Ideology and the Image ni Bill Nichols (1981) upang makatulong sa pagsusuri ng kahulugan o mensahe ng mga piling teksto sa Word of the Lourd gamit ang kutya, tawa, at kritisismo sa paglalarawan ng imahe ng dating pangulo.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU21424
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
iv, 127 leaves ; 28 cm.
Keywords
Satire
Recommended Citation
Prieto, M. (2012). Ang docomtire na word of the Lourd: Ang paglalarawan ng imahe ni Gloria Macapagal-Arroyo sa kutya, tawa, at kritisismo ni Lourd de Veyra. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2734