Willie Revillame: Arketipong bayani at pag-asa ng masang Pilipino

Date of Publication

2013

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Dolores R. Taylan

Defense Panel Chair

Rowell D. Madula

Defense Panel Member

David Michael M. San Juan

Abstract/Summary

Maraming anyo ang pagiging bayani. Bawat tao ay maaaring maging isang bayaniat/o maituturing na bayani anuman ang kanyang katayuan at kalagayan sa buhay.

Layunin ng mananaliksik na malaman kung maituturing ba si Willie Revillame bilang isang arketipong bayani - isang bagong bayani na nagbibigay ng pag-asa sa masa. Nilayon din ng pag-aaral na mapakita kung paano nagiging bayani si Willie Revillame sa loob ng studio at ano ang tingin ng mga manonood sa tahanan/labas ng studio sa kanya at sa kanyang game show.

Pinag-aralan si Willie Revillame bilang game show host gayundin ang kanyang mga programa at kung paano siya nakakaimpluwensiya sa kanyang mga manonood at mga tagahanga. Inalam din ang pag-aaral kung ano ang natatamasa ng mga manonood kay Willie Revillame sa loob at labas ng studio.

Gamit ang mga anda ni Isagani Cruz, Si Lam-ang, si Fernando Poe Jr., at si Aquino: Ilang kuro--kuro tungkol sa epikong Filipino (na hango sa isinulat ni Joseph Campbell, A Hero with A Thousand Faces ), napatunayan ng mananaliksik na maituturing si Willie Revillame bilang isang arketipong bayani.

Mula sa game show na Wowowillie, ipinakita kung paano nagiging bayani si Willie Revillame sa loob at sa labas ng istudyo. Gamit ang bahaging Tutok to Win mula sa programa ni Willie Revillame ay nalaman kung ano ang tingin ng mga manonood sa kanya at ano ang kanyang mga katangian bilang isang bayani.

Sa pamamagitan ng pagsusuri ng palabas ni Willie Revillame ay nasagot ang mga layunin sa pag-aaral. Sinuri ang wowowillie mula Hunyo 1-30, 2013 gamit ang www.watchpinoytube.com. Pinanood ng personal ang programa sa studio noong Hulyo 1, 26 at Agosto 3, 201. Gumamit ang mananaliksik ng sariling timeline ng buhay ni Willie Revillame bilang game show host para sa pag-aaral upang maipakita ang daloy ng kanyang buhay at maihambing sa buhay ng arketipong bayani. Dagdag kaalaman din ang pakikipanayam ng mananaliksik sa mga nanalong manlalaro sa programa para sa pagsagot kung paano nagiging bayani si Willie Revillame.

Sa kabuuan, may tatlong natuklasan ang mananaliksik sa pag-aaral ng buhay ni Willie Revillame bilang game show host:

(1) Napatunayan na si Willie Revillame ay isang arketipong bayani na nakatatak sa isipan at puso ng mamayan na nagbibigay pag-asa sa masa

(2) Napatunayan na si Willie Revillame ang kanilang daan upang magkaroon ng pag-asa. Siya ang kanilang takbuhan upang makaahon sa kahirapan at

(3) Napatunayan sa pag-aaral na si si Willie Revillame ay nagpapasaya, matulungin, at maaasahan. Pra sa masang Pilipino na tumatangkilik kay Willie Revillame, ang mga nabanggit ay mga katangian ni Willie Revillame bilang isang bayani.

Ang kasiyahang hatid ng panonood ng programang Wowowillie ang pinagmumulan ng pag-asa ng kanyang mga tagahanga, sa kanya sila humuhugot ng lakas upang hindi mawalan ng pag-asa sa buhay at sa kinabukasan.

Masasabing panandaliang saya at pag-asa lang ang ibinibigay ng programa ni Willie Revillame subalit ang sandaling saya at pag-asa na natatamo nila ay nakakatulong upang magsumikap sila sa susunod na araw at sa hinaharap. Sa pagiging masaya ng mga tagahanga at tagapagsunod ni Willie, nagkakaroon sila ng positibong pananaw sa buhay at pansamantala nilang nakakalimutan ang problema sa buhay. Sa pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay, nakikita ng tao na lahat ay posibleng gawin at may pag-asa sa buhay upang umunlad. Ang ganitong pananaw na masaya at positibo ay nakukuha nila kay Willie Revillame at sa kanyang programa. Gamit ang sayang nakukuha nila ay ang pagkakaroon ng pag-asa sa buhay na kanyang mong baguhin ang iyong kapalaran at kinabukasan.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU21422

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

121 leaves ; colored illustrations ; 28 cm.

This document is currently not available here.

Share

COinS