Kaidtong panahon: Isang pagsusuri sa proseso at salin sa Guinobatnon ng mga piling alamat bilang dagdag na materyal sa pagtuturo sa ikalawang baitang sa elementarya ng Guinobatan East Central School (GECS)

Date of Publication

2015

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Comparative and Historical Linguistics

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Emma A. Basco

Defense Panel Chair

Teresita F. Fortunato

Defense Panel Member

Rowell D. Madula

Abstract/Summary

Layunin ng pag-aaral na ito na makapag-ambag sa patuloy na pag-usbong na larangan ng pagsasalin sa bansa, partikular na ang pagsasaling bernakular. Gayundin naman ang makapag-ambag sa pangangailangang kaakibat ng makabagong kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon na Mother tongue Based - Multilingual Education (MTB-MLE). Bahagi ng makabagong kurikulum na ito na maisalin patungo sa iba't ibang bernakular sa bansa ang mga materyal na pangturo na dating nasa wikang Filipino o Ingles. Nakita ito ng mananaliksik bilang isang oportunidad upang makapag-ambag lalo pa at mayroon siyang kaalaman sa isa sa mga bernakular ng Bicol, ang Guinobatnon na ginagamit sa lungsod ng Guinobatan sa lalawigan ng Albay.

Sinuri ng mananaliksik ang librong nasa wikang Guinobatnon na ginagamit ng mga mag-aaral sa ikalawang baitang ng paaralang Guinobatan East Central School (GECS) at isang libro din na ginagamit naman ng parehong baitang sa Paaralang Sentral ng Guiguinto (PSG) sa Bulacan. Natuklasan ng mananaliksik na hindi pareho ang laman ng dalawang libro at halos kulang ang nasa libro ng GECS. Isa sa mga kulang na ito ay ang paksa ukol sa mga lokal na alamat sa bansa. Dahil dito pumili ng sampung alamat ang mananaliksik na isinalin naman patungong Guinobatnon.

Matapos ang pagkalap ng mga datos, natuklasan ng mananaliksik na tama ngang Guinobatnon ang piling pagsasalinang wika dahil sa tatlong mahahalagang rason. Una, ang Guinobatan, Albay ang nanguna sa pagsulong sa kurikulum na MTB-MLE sa buong Albay. Dahil dito, magandang magkaroon ng karagdagang pag-aaral ukol dito upang patuloy na mapatibay ang pundasyon ng kaalamang nasimulan na. Ikalawa ay mayroong kinalaman sa kakulangan ng mga taong makapagsasalin mula Filipino patungong Guinobatnon. Ayon sa panayam ng mananaliksik sa MTB Coordinator ng Guinobatan, mag-isa lamang niyang isinasalin lahat ng aklat pangturo sapagkat siya lamang ang pasado sa mga kuwalipikasiyon na ibinigay ng Kagawaran ng Edukasyon para sa mga magsasalin patungong Guinobatnon. Karamihan kasi ng mga maaaring magsalita ay hindi sapat ang kaalaman sa wikang Filipino. At panghuling rason ay ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman ng mananaliksik sa wikang Guinobatnon dahil ito ang bayang kaniyang kinalakihan.

Gumamit ang mananaliksik ng teorya sa pagsasalin na sa tingin nito ay makatutulong upang maging matagumpay ang pag-aaral. Ito ang Teoryang Skopos ni Hans Vermeer na mas nakatuon sa layunin at magiging pakinabang ng isinaling teksto. Ayon kay Vermeer, ang pagsasalin ay isang gawain, at ang bawat gawain ay mayroong kaakibat na layunin kung bakit ito gagawin, ang rason na ito ay tinawag niyang skopos. Dagdag pa niya, ang bawat gawain ay mayroong kaukulang bunga, ang dahil isang gawain ang pagsasalin, ay mayroon itong resulta na target na teksto o ang tinatawag ni Vermeer bilang traslatum. Pagdidiin ni Vermeer na mahalagang malaman muna ng sang tagasalin ang skopos at magiging gamit ng transatum bago pa man ito magsimulang magsalin. Sa pag-aaral na ito, sakto ang teorya ni Vermeer sapagkat ang pagsasaling isinagawa ay may layuning kapaki-pakinabang.

Matapos dumaan sa serye ng pagpapakinis ang mga salin ay sinuri ng mananaliksik ang mga ito upang maipagkumpara ang bersyong Filipino at bersyong Guinobatnon. Gumawa ng talahanayan ang mananaliksik upang biswal na maipaliwanag nang mabuti ang pagkakapareho at pagkakaiba ng dalawang bersyon. Bukod pa rito, nakakuha rin ang mananaliksik ng ilang bagong kaalaman ukol sa pagsasaling bernakular mula Filipino patungong Guinobatnon. Mahalaga ang mga resultang ito upang maipakita kung nagtagumpay nga ba ang mananaliksik sa pagsasalin ng dagdag na materyal pangturo. Ipinasuri din ng mananaliksik ang mga salin sa MTB Coordinator ng Guinobatan upang malaman kung sapat na ba ang pagsasaling isinagawa.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU21421

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

113 leaves ; 28 cm.

Keywords

Basketball; Sports; Television

This document is currently not available here.

Share

COinS