Fashion bloggers bilang brand ambassadors: Dehumanisasyon sa makabagong paraan ng advertising
Date of Publication
2013
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Public Relations and Advertising
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Dolores R. Taylan
Defense Panel Chair
Rowell D. Madula
Defense Panel Member
David Michael M. San Juan
Abstract/Summary
Sa pag-usbong ng penomenon ng pagba-blog ay kasabay din nitong sumikat ang mga fashion blogger. Ginamit ng mga kapitalista ang pagkakataong ito upang gawing panibagong midyum ng advertising ang mga fashion blog. Dahil dito, naging sikat din ang mga may-ari ng blogs at kinuha sila ng mga kapitalista bilang Brand Ambassadors .
Sinuri sa pag-aaral na ito ang mundo ng fashion blogging at inalam kung ang mgafashion blogger ba ay nadedehumanisa sa kanilang tungkulin bilang mga Brand Ambassador. Sa huli ay inalam kung nahuhubog ba at nababago ng pagiging Brand Ambassador ang identidad ng mga fashion blogger batay sa konsepto ng objectification at commodification.
Nagsagawa ng interbyu at sarbey ang mananaliksik upang malaman ang sagot sa mga katanungang nakapaloob sa ginawang pag-aaral. At batay sa mga nakalap na datos ng mananaliksik, dahil sa nangyayaring objectification (pagtingin sa isang tao bilang objek) at commodification (pagiging komoditi ng isang tao). masasabing nadedehumanisa ang fashion bloggers sa tungkulin nila bilang mga Brand Ambassador, ngunit hindi nito tuluyang hinuhubog at binabago ang identidad ng mga fashion blogger dahil ang pagiging Brand Ambassador ay isang aspekto lamang sa tungkulin nila bilang mga fashion blogger. Importanteng salik din sa pagiging Brand Ambassador ang panlabas at panloob na imahe ng mga fashion blogger. Iniaangkop din ng mga kapitalista ang kanilang mga produkto sa istilo at personalidad ng mga pinipili nila upang maging Brand Ambassador. Importante rin na maraming tagasunod at mambabasa ang mga blogger na pipiliin nila upang makamit ang kanilang mithiin na makabenta. Tungkulin ng mga Brand Ambassador ang iendorso ang produkton o brand sa pamamaraang base sa kanilang opinyon at karanasan at isinusulat nila ito sa kanilang mga blog. Ikinakalat din nila ang pangalan ng produkto o brand sa iba pang social networking sites tulad ng Facebook, Twitter o Instagram. Mahalaga ng maging kapanipaniwala rin sila upang masabing naging epektibo sila sa kanilang tungkulin bilang mga Brand Ambassadors.
Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa mga kababaihan lamang na fashion bloggers. Isa itong adbokasiya upang pangalagaan ang imahe ng mga kababaihan laban sa dehumanisasyon na nagaganap sa larangan ng advertising.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU21420
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
161 leaves ; 28 cm.
Keywords
Advertising; Advertising--Fashion; Fashion; Bloggers
Recommended Citation
Payumo, M. (2013). Fashion bloggers bilang brand ambassadors: Dehumanisasyon sa makabagong paraan ng advertising. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2726