Y.E.S. dance at music ministry: Pagsipat sa aktibong pakikilahok ng kabataan sa El Shaddai

Date of Publication

2013

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Dance

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Ma. Rita R. Aranda

Defense Panel Chair

Emma A. Basco

Defense Panel Member

David Michael M. San Juan

Abstract/Summary

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pananaliksik sa mga salik na naging dahilan sa patuloy na pagkaakit ng kabataang miyembro ng ministeryo ng El Shaddai. Layunin nitong hanapin ang malaman ang mga ministeryo at programang binuo ng El Shaddai para sa kabataan, tulong na naibibigay ng El Shaddai, at epekto ng El Shaddai sa bawat kabataang miyembro nito upang magawang malaman ang dahilan sa paghihikayat ng kabataan sa pagdalo sa El Shaddai.

Naging kaagapay ng mananaliksik ang Participative Leadership Theory ni Rensis Likert, kilalang Amerikanong psychologist, sa pagsuri sa bawat datos na nakalap. Nagawang makalap ang datos na nagamit sa pananaliksik gamit ang mga modang in-dept interview at participant observation na bahagi ng etnograpiya at sarbey. Ginamit ng mananaliksik sa sarbey ang Five Point Scale ni Likert upang masukat ang epekto ng kanilang pagsali sa ministeryo ng El Shaddai. Ibinigay at pinasagutan ang ginawang sarbey sa 40 kabataan, 20 mula sa Dance Ministry. Pinili ng mananaliksik magsagawa ng sarbey sa dalawang nasabing ministeryo dahil ito ang ministeryong naitatag, pinakaaktibo, at kinabibilangan ng halos lahat kabataang kasali sa ministeryo ng El Shaddai. Mula rito nakita at nalaman ang mga posibleng salik sa pagkaakit ng kabataan sa El Shaddai.

Nahahati ang gawain ng El Shaddai para sa kabataan sa mga ministeryo at Ministry, at Socio-Political Ministry. Samantalang kabilang naman sa programa para sa kabataan ng Catholic Life in Spirit Seminar, Basic Christian Maturity, Youth Camp, Leadership Training, Youth Congress, God's Word o Bible Study, Youth Fellowship with El Shaddai, at Youth Recreational Activities. May mga natatamo ring iba't ibang tulong ang kabataan sa kanilang pagkikiisa sa ministeryo ng El Shaddai. Sa huli, ang pagdalo ng kabataan sa El Shaddai ay nagdulot ng mga positibong epekto sa bawat isa.

Nalaman ng mananaliksik na malaki ang naging ambag ng pagkakaroon ng El Shaddai ng partisipatibong uri ng pamumuno, dahil dito nadama ng kabataang pinahahalagahan sila ng El Shaddai. Naiugnay rin ang ministeryo at programa, tulong na naibibigay, at epekto sa kabataan ng pagdalo sa El Shaddai sa Participative Theory ni Likert. Sa huli, malalagom sa apat na pangunahing salik ang pagkaakit ng kabataang dumalo sa El Shaddai: (1) Pagpapahalaga at tiwalang ipinapakita sa kabataan (2) Pagbibigay oportunidad sa kabataan (3) Representasyon sa El Shaddai (4) Kasiyahang nadarama hatid ng pagsali sa ministeryo.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU21404

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

vi, 132 leaves ; colored illustrations ; 28 cm.

Keywords

Experience (Religion); Psychology; Religious

This document is currently not available here.

Share

COinS