Isang pagsipat sa anyo ng adaptasyon ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Zsa Zsa Zaturnnah mula graphic novel tungong pelikula

Date of Publication

2010

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Creative Writing

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Genaro Gojo Cruz

Defense Panel Chair

Ernesto V. Carandang, II

Defense Panel Member

John Enrico C. Torralba

Abstract/Summary

Ang mga Pilipino ay mahilig magbasa o di kaya ay manuod ng mga palabas na may kinalaman sa pantasiya at pag-ibig. Noong unang panahon, ang Libangan ng nakakaraming tao sa Pilipinas ay ang pagbabasa ng komiks na tungkol sa buhay, pantasiya, at pag-ibig. Ang isang halimbawa na dito ay ang komiks na Darna na isinulat at iginuhit ni Mars Ravelo, Panday na isinulat at iginuhit naman ni Carlo J. Caparas, at ang Kenkoy na isinulat at iginuhit ng ama ng Komiks sa Pilipinas na si Antonio Velasquez. Makalipas ang ilang tao, ang sunod na naging Libangan naman ng mga Pilipino ay ang panunuod ng Pelikula. Hanggang sa nauso na din ang iba't ibang klase ng pelikula sa Pilipinas tulad ng mga independent films. Ngunit isa sa mga naging tunguhin ng mga Pelikula ay ang pag-a-adapt ng mga kuwento nito galing sa mga komiks na nauna nang sumikat gaya ng Darna, Panday, Captain Barbel, at ang Graphic Novel na Zsa-Zsa Zaturnnah.

Ang paglaganap ng Komiks sa Pilipinas ay nagpatuloy pa sa pagdaloy ng panahon. At dahil din sa pagkakaroon ng iba't ibang impluwensiya galing sa ibang bansa, nagkaroon din ang Pilipinas ng tinatawag na Graphic Novel na isang mas mataas na anyo ng Komiks.

Sinasabing ang Graphic Novel daw, kagaya ng Komiks ay may ilustrasyon, ngunit ang daloy ng kuwento nito ay parang isang libro. Ang isa sa mga natatanging Graphic Novel na ginawa ng isang Pilipino sa Filipino ay ang Graphic Novel na Ang kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Zsa Zsa Zaturnnah na isinulat ni Carlo Vergara. Masasabing ito'y natatangi sapagkat ito ay isa sa iilang mga kuwento na isinalin mula sa libro tungo sa isang Pelikula.

Ang Zsa Zsa Zaturnnah ay tungkol sa isang baklang parlorista na si Ada at ang kaniyang pagpapalit anyo tungo kay Zsa Zsa Zaturnnah sa tuwing lulunokin niya ang malaking bato. Masasabing ang kuwentong ito ay kahawig ng komiks na Darna ngunit may pagkakaiba pa din. Ang Graphic Novel na ito ay bumenta hindi lamang sa mga bakla ngunit pati na din sa ibang mga mambabasa na natuwa sa nilalaman ng kuwento. Kung kaya't ito ay isinalin tungo sa isang Pelikula.

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa paggamit ng Zsa Zsa Zaturnnah sa dalawang uri ng midya na Graphic Novel at Pelikula. Gagawa ng isang pagkukumpara sa dalawang uri ng midya at kung paano nag kakaiba ang paggamit ng Zsa Zsa Zaturnnah sa dalawa. Ang pag-aaral na ito ay importante dahil bibihira lamang ang nagsasagawa ng pag-aaral ukol sa adaptasyon sa Pilipinas. Bilang madalas na ang paggamit ng adaptasyon sa ating lipunan, angkop ang tesis na ito upang mapaganda pa ang proseso ng adaptasyon sa Pilipinas at mabigyan ng kalidad na palabas ang mga manunuod.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU21399

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

104 leaves ; illustrations ; 28 cm.

Keywords

Graphic novels--Philippines; Literature-- Adaptations; Fantasy films--Philippines

This document is currently not available here.

Share

COinS