Ang pakikibagay ng Coke bilang bahagi ng buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng kanyang mga patalastas sa telebisyon
Date of Publication
2010
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Public Relations and Advertising
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Feorillo Petronilo A. Demeterio, III
Defense Panel Chair
John Enrico C. Torralba
Defense Panel Member
Rowell D. Madula
Abstract/Summary
Sa kasalukuyanng panahon, isa sa mga pinakalaganap at pinakaginagawa ng mga Pilipino ay ang proseso ng adaptasyon. Naparaming gumawa nito, mula sa mga nobelang isinusulat at mga komiks patungong serye sa telebisyon at pelikula, mula sa pelikula na ginagawa naming serye sa telebisyon at maraming pang iba. Isa na sa mga ito ay ang mga patalastas ng mga multinasyunal na kumpanya gaya ng Coke na mula sa Estados Unidos ay inaadapt ang patalastas at ginagawang Pilipino. Ang ganitong klaseng pag-aaral tungkol sa adaptasyon ng mga patalastas ay hindi gaanong nabibigyan ng pansin kung kaya't ito ang naisipang gawin ng mananaliksik.
Ang pag-aaral ng mananaliksik tungkol sa adaptasyon ng mga patalastas ng Coke mula sa Estados Unidos na ginagamit ng mga Pilipino ay ilalahad sa tesis na ito. Makikita sa pag-aaral na ito kung paano nikikibagay ang isang multinasyunal na kumpanya, ang Coke, sa lipunang Pilipino sa pamamagitan ng mga patalastas nito sa telebisyon. Makikita rin ang paggamit sa mga teoryang pang-adaptasyon at ang balangkas ni Roland Barthes. Ang pag-aaral na ito ay tungkol lamang sa adaptasyon ng mga patalastas ng Coke sa telebisyon at ang mga pagpapakahulugan ng mga bagay-bagay na makikita sa patalastas.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU21397
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
93 leaves ; colored illustrations ; 28 cm.
Keywords
Cola drinks--Philippines; Soft drinks--Philippines; Advertising--Soft drinks--Philippines; Television advertising--Philippines
Recommended Citation
Perez, C. (2010). Ang pakikibagay ng Coke bilang bahagi ng buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng kanyang mga patalastas sa telebisyon. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2703