Sapinsaping pag-ibig at pagtitiis: Artikulasyon sa kilig movies ng Star Cinema
Date of Publication
2009
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Theatre and Performance Studies
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Rowell D. Madula
Defense Panel Chair
Feorillo Petronilo A. Demeterio, III
Abstract/Summary
Ang pag-aartista ang isa sa mga tinitingala at hinahangaang propesyon sa Pilipinas. Isa rin itong paraan tungo sa personal na kaunlaran. Ang mga pelikula naman ang nagsisilbing produkto na tinatangkilik ng masang manonood kung saan kalakip dito ang samu't saring proseso na ginagawa ng mga prodyuser upang ibenta ito sa publiko.
Ang tisis na ito ay nagsagawa ng pag-aaral sa tinaguriang kilig movies ng Star Cinema, ang production outfit ng himpilang ABS-CBN. Matutunghayan ang artikulasyon sa produksyon at reproduksyon ng naturang mga uri ng pelikula. Binigyang-linaw at kasagutan ng pag-aaral na ito ang mga proseso at istratehiya na ginamit at patuloy na ginagamit ng ABS-CBN sa paglikha at pagpapasikat ng mga artista nila, ang papel ng kilig at pag-ibig sa paggawa ng mga pelikula ng Star Cinema at ang pagtukoy sa komodipikasyon ng kultura sa pamamagitan ng pagpapakete sa mga artista at pelikula bilang isang produkto.
Nagbibigay din ang pag-aaral na ito ng karaniwang istruktura ng mga kilig movies na sinuri kasama na ang pagdadagdag ng mga bagong elemento sa istandard na istrukturang ito. Ang pagpapakahulugan sa karakter at mga elemento ng mga pelikulang nabanggit ay isinama upang bigyan ng mas malawak na kaalaman ang mga manonood sa mundo sa loob ng mga pelikula. Higit sa lahat, nilayon ng tisis na ito na madiskubre ang mga pangyayari na nakapalibot sa loob at labas ng kilig movies kung saan ay napag-alaman na binubuo ng napakaraming proseso ang produksyon ng mga ito.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU21396
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
205, [25] leaves ; 28 cm.
Keywords
Performing arts; Motion pictures--Philippines; Actors--Philippines
Recommended Citation
Medina, M. (2009). Sapinsaping pag-ibig at pagtitiis: Artikulasyon sa kilig movies ng Star Cinema. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2702