Mga reyna ng jukebox: Isang maikling kasaysayan ng mga jukebox hits at sa mga mang-aawit nito

Date of Publication

2009

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Music Education

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

John Enrico C. Torralba

Defense Panel Chair

Rowell D. Madula

Defense Panel Member

Rhoderick V. Nuncio

Abstract/Summary

Sa risert na ito, tinalakay ang panahon ng Jukebox kung saan sinuri ang tatlong Reyna ng Jukebox na sina Eva Eugenio, Claire De La Fuente, at Imelda Papin at ang kanilang signature songs na 'Tukso', 'Sayang', at 'Bakit'. Hinagad ng tesis na ito masagot kung bakit nanatili sa kamalayan ng mga tao noong dekada 70 hanggang sa kasalukuyan ang mga signature songs ng binanggit na mang-aawit. Kasabay nito, sinagot din ng tesis na ito ang mga sumusunod na tanong. 1. Ano ang pangkalahatang politikal, ekonomik, kultural, at panlipunang sitwasyon noong Dekada 70, 80, 90, 2000 na nakakaapekto sa kalagayan ng musika ng Pilipinas. 2.Kaugnay sa unang tanong, ano ang naging lugar ng mga kanta nina Eva Eugenio, Claire De La Fuente, at Imelda Papin sa bawat dekada? Paano sila pumusisyon sa bawat panahon bilang mang-aawit? 3. Ano ang pormal na katangian ng mga awit nina Eva Eugenio, Claire De La Fuente at Imelda Papin? Paano naapektuhan ng kanilang mga estilo ang kanilang pananatili sa industriya ng musika?

Ang papel na ito ay isang dayakronik at sinkronik na pag-aaral, kung saan sinuri ang mga dekada 60, 70, 80, 90, at 2000 upang masagot at mapaliwanag kung ano ang mga ibat-ibang salik na humuhubog sa pananatili ng mga kanta ng mga Jukebox sa bawat dekada. Sa estilong ito mapapakita kung ano ang mga posisyon ng mga mang-aawit at ng kanilang kanta sa bawat panahon kung saan makikita ang mga rason kung bakit nanatili pa rin ang mga kanta ng mga Jukebox sa puso ng mga Pilipino. Karagdagan dito sisilipin din ang estilo, tipo at tema ng mga kanta ng mga Jukebox upang mapakita naman kung ano ang posisyon ng mga kanta sa buhay ng mga Pilipino.

Sa risert na ito, natuklasan na ang pinakamalakas na salik sa pagsikat at pagtagal ng mga kanta ng mga Jukebox sa industriya ng musika ay ang tamang panahon na pagpasok noong dekada 70. Ito ay dahil noong dekada 70, nagsisimula pa lamang ang pag-usbong nang industriya ng musika sa Pilipinas. Ito ang taon kung saan talagang natuto nang gumawa ng musika ang mga Pilipino na puwede na nilang tawagin sa kanila. Karagdagan dito, masasabi rin na naging isang inpluensiya ang gobyerno dahil sinuportahan nito ang musikang Pilipino.

Sa kabilang dako naman noong Dekada 80, marami pa rin mga kantang Pilipino ang sumikat. Ngunit, hindi masyadong napagtuunan ng pansin ang mga musikang Pilipino. Karamihan kasi ng mga kanta na pinapatugtug sa radyo ay mga kanta galing sa kanluran. Pagdating naman nang dekada 90, muling sumikat ang mga tugtug na galing sa dekada 70. Dito napansin ang mga kanta ng mga Jukebox Queens, kung saan nagkaroon ng isang revival ang isang kanta ng Reyna ng Jukebox. Samantala, noong dekada 2000, muling nanatili pa rin sa kamalayan ng mga Pilipino ang mga kantang Jukebox kung saan ang kanilang kanta ay pinapatugtog pa rin sa radyo. Dahil dito binansagan na sila ng titlong mga OPM legends ng Viva Records dahil sa kanilang kakaibang estilo na talagang naging impluensiya ng Pilipino.

Karagdagan dito, hindi lamang ang oras ang naging isang bagay na tumulong sa pagsikat ng mga kantang Jukebox, pero pati ang kanilang estilo sa pagdating sa titik.

Sa pag-aaral na ito, hinahangad nito makapagdagdag impormasyon sa kasaysayan ng musika. Ito ay dahil sa karamihan sa mga libro at artikulo hinggil sa musikang Pilipino ay nakakaligtaan ang panahon at musika ng Jukebox. Itong risert na ito ay magsisilbing dagdag impormasyon sa panahon at musikang Jukebox. Karagdagan dito, hinahangad din ng risert na ito makatulong at makadagdag datos sa mga ibat-ibang larawan ng midya, musika at Aralin Pilipino.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU15114

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

76 leaves ; 28 cm.

Keywords

Jukeboxes--Philippines; Coin-operated machines-- Philippines; Women singers--Philippines-- Biography; Popular music--Philippines--1971-1980; Popular music--Philippines--1981-1990; Popular music--Philippines--1991-2000

This document is currently not available here.

Share

COinS