Youngblood bilang representasyon ng kabataan: Kabataang may pakialam o ang gen textY
Date of Publication
2008
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Interpersonal and Small Group Communication
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Rizalyn J. Mendoza
Defense Panel Chair
Louie Jon A. Sanchez
Defense Panel Member
Rowena Festin Valerio
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng Descriptive Content Analysis Method upang matugunan ang mga layuning: makilala ang kasalukuyang kabataan, makita ang Youngblood bilang instrumento sa pamamahayag ng kabataan, at makalikha ng bagong katawagan sa kasalukuyang henerasyon.
Gamit ang pagsusuring tekstwal at pagsusuri ng nilalaman (Content Analysis), hinati ng mananaliksik ang limampu't tatlong (53) sanaysay na nailathala sa Youngblood sa tatlong kategorya: Sosyopulitikal, Kultural, at Sikolohikal. Pinakita din ang pag-ikot ng aksyon mula pagbasa tungo sa pagsulat ng indibidwal, gamit ang Youngblood bilang instrumento kaakibat ang mga teoryang: Narrative Theory (Fisher), Reception Theory (Jauss), Cultural Norms Theory (deFleur), Cultivation Theory (Gerbner), at Media Dependency Theory (Ball-Rokeach at DeFleur). Upang matugunan ang huling layunin, nagdalumat ang mananaliksik ng Pakialam at ihinambing ito sa kasalukuyang kabataan, sa tulong ng pakikipanayam sa patnugot ng Youngblood. Sa paghiraya sa makabago at mas-Pilipinong terminong para sa kabataang Pilipino, nabuo ng mananaliksik ang katawagang Generation textY : Ang henerasyong may pakialam.
Isang malaking hakbang tungo sa pagkakakilala sa kabataan ang pananaliksik na ito. Ang katawagang Generation textY , kasama na rin ang ibang kaisipang nakuha mula sa pag-aaral, ay siyang malaking ambag sa paglinang at pagyaman ng wika at kulturang Filipino.
Abstract Format
html
Language
English
Format
Accession Number
TU14954
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
vi, 164 leaves ; 28 cm.
Keywords
Youth--Philippines--Attitudes; Generation X-- Philippines
Recommended Citation
Pongco, M. C. (2008). Youngblood bilang representasyon ng kabataan: Kabataang may pakialam o ang gen textY. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2327