Si Darna bilang imahen ng bayaning babae

Date of Publication

2007

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

History

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Rhoderick Nuncio

Defense Panel Chair

Josefina Mangahis

Defense Panel Member

Dexter B. Cayanes

Abstract/Summary

Isang pag-aaral ito tungkol sa Imahen ni Darna at ang imahen ng mga babaeng bayani sa kasaysayan ng Pilipinas. Nakasentro ang pag-aaral na ito kay Darna na ipinalabas sa Telebisyon noong 2005 ng GMA channel-7 at nakilala ito sa tawag na Telefantasya. Nilayon ng pag-aaral na bigyang-pagpapakahulugan ang imahen ni Darna kaugnay sa imahen ng Babaeng bayani sa kasaysayan. Ginamit ang semiotics na pagdulog sa pag-aaral na ito dahil ito ang nakapagbigay kahulugan sa mga imahen na sinisimbolo ni Darna sa lipunan.

Sa resulta ng pag-aaral, natukoy ang pananaw ng babae sa kasaysayan sa pamamagitan ng kanilang pakikipaglaban sa mga dayuhan upang makamit ang kalayaan. Paggawa ng kabutihan hindi lang sa sariling kapakanan ngunit para sa ikabubuti ng lahat ng tao sa lipunan.

Pinatunayan sa pag-aaral na ito na iisa ang imahen ni Darna at ang mga babaeng bayani sa kasaysayan. Naiiba si Darna sa mga bayani dahil sa kanyang anting-anting. Gayundin sa kanyang mga kaaway na may mahiwagang kapangyarihan hindi tulad sa mga naunang bayaning babae sa kasaysayan na pawang mga dayuhan ang kalaban. Napatunayan sa pag-aaral na ito na si Darna ay isang representasyon ng babaeng Filipina.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU14894

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

ii, 51 leaves ; 28 cm.

Keywords

Heroes; Superhero comics; Superhero television programs--Philippines; Darna (Television play)

This document is currently not available here.

Share

COinS