Kaisipang kolonyal : sa isip, sa salita at sa gawa isang post-kolonyal na pagsusuri ng mga talinghaga sa mga tula ni Benilda S. Santos.

Date of Publication

2000

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Literature

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Literature

Abstract/Summary

Abstrak. Sinasabi nating mga Filipino na tayo ay malaya na sa kamay ng mga bansang sumakop sa atin. Sinasabi rin natin na nakamit na natin ang kasarinlan. Ngunit totoo nga bang malaya na tayo sa kamay ng kolonyalismo?

Isang siglo na nga ang nakalipas mula noong nakamtan natin ang kasarinlan mula sa España. Mahigit na limampung taon na rin ang nakalipas mula noong natamo natin ang kalayaan mula sa Amerika. Ngunit kung titignan natin ang lipunan ngayon, mababakas pa rin ang kulay ng kolonyalismo sa ating kultura at pamumuhay. Kahit na matagal ng lumisan ang mga dayuhang mananakop, nananatili pa rin ang kolonyalismo sa ating pag-iisip, pananalita at gawain.

Ang kaisipang kolonyal sa ating mga idea, salita at gawa ay dulot ng mahabang pananakop ng mga dayuhan sa ating bansa. Kung kaya masasabing hindi pa rin tayo ganap na malaya dahil patuloy pa rin ang pananakop ng mga dayuhan sa atin. Kung tutuusin, mas makapangyarihan pa ang ganitong uri ng pananakop dahil it ay nasa lebel ng pag-iisip.

Ang tesis na ito ay tatalakay sa isyu ng kolonyalismo sa ating lipunan at higit na bibigyang pansin ang kaisipang kolonyal. Susuriing mabuti ang mga tula ni Benilda S. Santos na tumutuligsa sa kaisipang kolonyal ng ating lipunan ngayon.

Ang pagiging malaya ay hindi nasusukat sa pisikal na anyo lamang. Ang pagiging malaya ay nababatid din sa kalayaan ng isip, ng salita at ng gawa.

Abstract Format

html

Format

Print

Accession Number

TU09643

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

57 numb. leaves

This document is currently not available here.

Share

COinS