Ang etnograpiya ng nalinsad na mga Aeta
Date of Publication
1992
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Behavioral Sciences
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Behavioral Sciences
Abstract/Summary
Ito'y isang pag-aaral na etnograpiya na nagsaliksik sa mga naging epekto ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo sa kultura ng nalinsad na Ayta lalung-lalo na yaong galing sa tribo ng Kuyukot. Binigyang tutok nito ang mga aspetong ginagamit pa o unti-unti ng naglalaho sa kanilang kultura: pagkain kalusugan at kalinisan pangkabuhayan pang-araw-araw na gawain pamilya pulitika kamatayan relihiyon, moralidad at pangarap sa buhay.Ang pagsasaliksik na ito ay gumamit ng paggagalugad at pagsasalarawang disenyo ng pag-aaral. Sa paglikom ng mga datos ay gumamit ng participant observation, impormal na interbyu na gumamit ng gabay sa pag-iinterbyu, at key informants mula sa tribo ng Kuyukot at mga tauhan ng mga ahensiyang naroroon na gaya ng DSWD at DOH.Ang mga pagbabagong tahasang nakita sa mga kultura ng mga Ayta ay ang mga sumusunod: pagkain, pang-araw-araw na gawain, pangkabuhayan, pangarap at hinaing, at kamatayan.Ang pag-aaral na ito kung isasakatuparan ng ibang mananaliksik ay nangangailangan pa ng malalimang paglubog, tutok, at diin sa mga nasabing aspeto. Ito'y upang magkaroon ng malalim na pag-unawa sa kanilang kultura.
Abstract Format
html
Language
English
Format
Accession Number
TU05565
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
136 leaves
Keywords
Aetas (Philippine Negritos); Ethnology--Philippines
Recommended Citation
Cabalona, E., Dayrit, F., & Palma, L. (1992). Ang etnograpiya ng nalinsad na mga Aeta. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/15932