Ang pagtatanghal ng karakter sa senakulo sa loob at labas ng entablado sa Cainta, Rizal
Date of Publication
2016
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
South and Southeast Asian Languages and Societies
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Rowell D. madula
Defense Panel Chair
Ernesto V. Carandang, II
Defense Panel Member
Alona Jumaquio-Ardales
Efren J. Domingo
Julio C. Teehankee
Abstract/Summary
Isa sa mga probinsya na bahagi ng Rehiyon IV-A na kilala sa tawag ng CALABARZON ang Rizal. Matatagpuan ang probinsya ng Rizal sa silangan ng Mero Manila na pinapaligirar ng mga probinsya ng Bulacan, Quezon, at Laguna. Isa ito sa probinsya na pinakamalapit sa Metro Manila dahil sa mga daan tulad ng Ortigas Avenue Extension patungo sa lungsod ng Pasig at Ortigas at sa Marcos Highway patungo naman sa lungsod ng Quezon City na nagpapabilis ng biyahe ng mga tao patungo sa nasabing lungsod. Isa rin ang Rizal sa pinakamadaling puntahan na probinsya dahil sa nabuong LRT Line 2 na nagtatapos sa Santolan sa lungsod ng Pasig. Binubuo ang probinsya ng Rizal ng 14 na munisipyo ang Angono, Antipolo-- ang kapitolyo nito, Binangonan, Taytay, Cainta, Baras, Cardona, Jalajala, Morong, Pililia, Rodriguez, San Mateo, Tanay, at Teresa.
Mayaman ang probinsya ng Rizal sa kultura nito, hindi lamang sa mga pagkain at sining kung hindi pati rin sa mga piesta nito at iba't ibang pagdiriwang ng mga mahahalagang okasyon sa relihiyon ng nasabing probinsya. Isa na rito ay ang iba't ibang pagdiriwang at pag-alala sa buhay at sakripisyo ni Hesus para sa atin tuwing Semana Santa. Maraming iba't ibang tradisyon ang ginagawa sa kabuuan ng Rizal tuwing Semana Santa, tulad ng Pabasa, Pasyon, at mga prusisyon ng mga iba't ibang santo. Isa na rin sa mga tradisyon na ipinagmalaki ng probisnya ng Rizal ay ang taonang pagtatanghal ng Senakulo sa bayan ng Cainta, Rizal. Ang pagtatanghal ng Senakulo ng grupong Krus sa Nayon Inc. noong nakaraang Marso 2016, sa Cainta, Rizal ang magiging pokus ng pag-aaaral ng tesis na ito.
Ang pokus ng pag-aaral na ito ay ang pagtatanghal ng katauhan at karakter ng ilan sa pangunahing tauhan ng Senakulo gamti ang konsepto ng is-performance at as-performance mula sa performative turn ni Richard Scheechner na siyang teoretikal na batayan ng pag-aaral na ito. Sa pamamagitan ng is-performance at as-performance ng performative turn tiningnan ng mananaliksik sa pag-aaral na ito kung mayroon bang ugnayan sa aktor ng Senakulo sa Cainta, Rizal ang kanilang karakter na ginagampanan sa kanilang ikinikilos at tauhan sa pang-araw-araw nila sa buhay. Sa pag-aaral makikita rin kung nagkakaroon ba ng ekspektasyon ang mga mamamayan ng Cainta, Rizal na manonood ng Senakulo sa mga katangian ng mga aktor na gumaganap sa kanilang pang-araw-araw na pakikitungo sa isa't-isa. At sa pamamagitan ng mga impormasyon na nakuha dito ay nahanap ng mananaliksik ang sinasabing turn sa katauhan ng mga nasabing aktor sa kanilng pang-araw-araw na buhay.
Sa pag-aaral din na ito tiningnan ng mananaliksik kung sa pagtatanghal ng mga tauhan na mahalaga sa ating relihiyon bilang mga Kristyano ay kung nagagawa ba nila ang tamang karakterisasyon ng kanilang mga tauhan base sa katauhan nila ayon sa mga turo na matatagpuan sa ebanghelyo. Tinitingnan din ng mananaliksik sa pag-aaal na ito ang ilan sa mga stratehiya ng direktor at ng mismong mga aktor na gumaganap sa Senakulo para hindi sila mawala sa kanilang karakter at manatili na nasa karakter sa buong takbo ng kanilang ensayo at mismong mga araw ng pagtatanghal.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU19459
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
[9], 222 leaves, illustrations (some color), 28 cm.
Keywords
Passion-plays; Jesus Christ -- Drama; Religious drama; Richard Scheechner, 1934-
Recommended Citation
Palac, K. C. (2016). Ang pagtatanghal ng karakter sa senakulo sa loob at labas ng entablado sa Cainta, Rizal. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/14946
Embargo Period
5-10-2021