Ang epekto ng programang pagsasanay sa antas ng kaalaman at saloobin hinggil sa sekswal na panliligalig ng mga lalaki sa lugar na pinagtratrabahuan
Date of Publication
1999
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang quasi-eksperimetnal [eksperimental] na pag-aaral na isinagawa ay may layuning malaman ang epekto ng programang pagsasanay sa antas ng kaalaman at saloobin ng mga lalaking nag-oopisina hinggil sa sekswal na panliligalig. Hangad ng mananaliksik na tunghayan ang mga sumusunod: (1) walang makabuluhang pagkakaiba sa mean pre-test iskors ng grupong komparison at grupong eksperimental sa QUBW at GSS, (2) may makabuluhang pagkakaiba sa mean post-test iskors ng dalawang grupo sa QUBW at GSS, (3) walang makabuluhang pagkakaiba sa mean pre-test iskors at post-test iskors ng grupong kompsion sa QUBW at GSS, at (4) may makabuluhang pagkakaiba sa mean pre-test at post-test iskors ng grupong eksperimental sa QUBW at GSS. Tinugunan ang pag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng The Untreated Compaison Group with Pre-test at Post-test na disenyo. Limampu't pito ang mga kalahok mula sa DHL ang sumailalim sa QUBW(a) at GSS kung saan dalawanpu ang nakakamit ng mga kriterya na inilaan na mapasama sa pag-aaral. Dalawang pangkat ng mga kalahok ang nabuo kung saan isa ang tumanggap ng pagsasanay at ang isa ay hindi. Muling sumailalim ang dalawang pangkat sa pagkuha ng QUBW (B) at GSS. Ang pagsusuri ng datos ay isinagawa sa pamamagitan ng independent at paired group t-test. Ang mga resultang nakalap ay nasuportahan ang mga hinuha ng pag-aaral. Samakatuwid, masasabi na naging epektibo ang programang pagsasanay dahil nagkaroon ng makabuluhang pagbabago sa pagitan ng mean pre-test iskors at post-test iskors ng grupong eksperimental sa QUBW (tobs= 2.118>tcrit=2.101) at GSS (tobs=3.777>tcrit=2.101).
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU09041
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
69 numb. leaves ; Computer print-out.
Recommended Citation
Canlas, C. R., Haw, J. S., & Wong, K. O. (1999). Ang epekto ng programang pagsasanay sa antas ng kaalaman at saloobin hinggil sa sekswal na panliligalig ng mga lalaki sa lugar na pinagtratrabahuan. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11808