Dahilan at manipestasyon ayon sa iba't-ibang katayuang sosyo-ekonomikal
Date of Publication
1999
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang mga dahilan at panlabas ng manipestasyon ng hiya ayon sa dalawang katayuang sosyo-ekonomikal-mataas at mababa. Kuwalitatibo ang disenyo ng pag-aaral at ginamit na metodo ang pakikipagkuwentuhan. Inalam ang iba't-ibang elemento ng kuwento ukol sa nakahihiyang karanasan. Gumamit ng purposive sampling dahilan sa kraytiryang katayuang sosyo-ekonomikal-mataas at mababa. Kuwalitatibo ang disenyo ng pag-aaral at ginamit na metodo ang pakikipagkuwentuhan. Inalam ang iba't-ibang elemento ng kuwento ukol sa nakahihiyang karanasan. Gumamit ng purposive sampling dahilan sa kraytiryang katayuang sosyo-ekonomikal at edad. Tanging mga nasa 20 hanggang 30 taon lamang ang ginawang kalahok. Ang mga kalahok ay binuo ng sampung lalaki at limang babae mula sa mataas na antas ng lipunan at labindalawang lalaki at tatlong babae naman mula sa mababang antas. Sinuri ang nilalaman ng mga kuwento. Napag-alaman na maraming klasipikasyon ang maaaring mabuo para sa bawat elemento ng kuwento ukol sa karanasang nakakahiya at panlabas na manipestasyon ng hiya. Halos hindi rin nagkakaiba ang mga klasipikasyong ito ayon sa dalawang katayuang sosyo-ekonomikal. Dagdag pa dito, may mga bagay ukol sa kaugaliang Pilipino ang natalakay at naiugnay sa emosyong hiya.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU09052
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
98 numb. leaves ; Computer print-out.
Recommended Citation
De Vera, V. H., Ong, K., & Wee, J. P. (1999). Dahilan at manipestasyon ayon sa iba't-ibang katayuang sosyo-ekonomikal. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11800