Okey lang: Okey lang ba talaga?

Date of Publication

2002

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Inilarawan sa pag-aaral na ito ang iba't-ibang konseptong nakapaloob sa paggamit ng mga Pilipino ng mga katagang "okey lang." Eksploratoryo-deskriptibo ang ginamit na disenyo ng pananaliksik. Gumamit ng larangang leksikal at ng ginabayang talakayan upang malaman ang mga sumusunod: (1) ang mga kahulugang ikinakabit sa naturang mga kataga, (2) sa anong konteksto at kanino ito madalas gamitin, (3) mga dahilan sa paggamit nito, (4) mga nararamdaman at iniisip kapag gumagamit at ginagamitan nito, at (5) ang kaugnayan ng pagsambit ng "okey lang" sa pag-uugaling Pilipino. Sa pagkuha ng mga kalahok, di-pasumala ang pamamaraan at pinili ang mga ito ayon sa tatlong baryabol: kasarian, edad, at katayuang panlipunan. Nagkaroon ng labingdalawang (12) sesyon ng ginabayang talakayan kung saan ang bawat grupo ay kinabilangan ng sampung (10) kalahok. Sinuri ang mga datos sa pamamagitan ng kontent analisis at mula rito ay nakabuo ang mga mananaliksik ng iba't-ibang mga kategorya Napag-alamang may pagkakaiba sa paggamit ng "okey lang" ayon sa kasarian, edad, at katayuang panlipunan. Marami ring kahulugan ang ikinakabit sa naturang mga kataga. Ginagamit ito sa iba't-ibang konteksto o sitwasyon at nag-iiba-iba ang gamit nito depende kung sino ang kausap ng indibidwal. Nabatid din na sari-sari ang nararamdaman at iniisip ng isang indibidwal kapag siya ay gumagamit at ginagamitan ng "okey lang". Sa mga dahilang ibinigay ng mga kalahok sa kanilang paggamit ng "okey lang," makikitang may iba't-ibang implikasyong nakapaloob sa pagsambit ng naturang mga kataga. Una ay ang pagsasabing nakasanayan lamang ito gamitin dahil sa uso ang pagsambit ng "okey lang" sa ngayon. Pangalawa, dahil sa kagustuhang mapanatili ang maayos na pakikitungo sa ibang tao o sa kapwa, nasasabi ang "okey lang" kahit hindi lubusang sumasang-ayon ang indibidwal sa kanyang kausap. Panghuli, ginagamit ang "okey lang" bilang isang kasangkapan dahil may ibang motibo o binabalak ang indibidwal sa pakikipagtalastasan nito sa ibang tao. Sumailalim dito ang kagustuhang matapos na ang usapan, kagustuhang makapagbigay ng mabilis o ligtas na kasagutan, o di kaya ay tinatamad ng mag-isip ng iba pang sasabihin sa kausap.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU10960

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

85 numb. leaves ; Computer print-out.

This document is currently not available here.

Share

COinS