Ang basehan sa pagpili ng katipan ng kasalukuyang henerasyon ng mga tsinoy

Date of Publication

2002

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa basehan sa pagpili ng katipan ng kasalukuyang henerasyon ng mga Tsinoy. Ito'y naglayong malaman ang katangiang hinahanap ng mga Tsinoy sa kani-kanilang katipan, kung ang nakagauliang tradisyon ay sinusunod pa, at ang kahihinatnan ng pakikipagrelasyon ng Tsinoy sa Tsinoy at Tsinoy sa Pilipino. Isinagawa ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng malalimang pakikipagpanayam sa labinlimang Tsinoy. Natagpuang karamihan sa tagapagbatid ay gustong makarelasyon ang kalahi nila. Magkagayon pa man, bukas ang kanilang isipang magkaroon ng relasyon sa hindi nila kalahi pero takot pa silang sumuway sa kanilang magulang. Magkaibang impresyon ang mga ipinahayag ng mga Tsinoy tungkol sa mga Pilipinong lalaki at babae. Inilahad ng mga tagapagbatid ang kaibahan sa pagpapakita ng pagmamahal ng mga Tsinoy at Pilipino maging ang sa tingin nilang magiging kahihinatnan sa pakikipagrelasyon ng Tsinoy sa Tsinoy at ng Tsinoy sa Pilipino. Isinagawa ang pag-aaral na ito hindi upang makasakit ng damdamin ng anumang lahi kung hindi upang mas maging bukas ang isipan ng mga magulang sa bigyang kalayaan ang kani-kanilang mga anak sa pagpili ng katipan.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU10971

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

102 numb. leaves ; Computer print-out.

This document is currently not available here.

Share

COinS