Pagtanggap sa katotohanan: Nang malaman ko na ako ay isang ampon

Date of Publication

2002

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maisalarawan ang mga naramdaman, inisip, at naging plano ng mga ampon, nang malaman nila ang katotohanan ng sila ay isang ampon. Deskriptibo ang disenyo ginamit sa pag-aaral na kung saan ginamitan ito ng Case Study, malalimang pakikipanayam, Focused Group Discussion (FGD) at obserbasyon upang makalap ang mga datos na kinakailangan. Ang ginamit sa pagkuha ng 12 na kalahok ay Purposive Sampling at Chain referral o snowball sampling. Gumamit din ng semi-structured na gabay upang makuha ang mga datos. Case-Analysis ang ginamit sa pag-aanalisa ng datos at pagkatapos ay ginamitan din ng Cross-Case Analysis para mai-hambing ang bawat kaso sa isa't-isa. Sa pag-aanalisa ng datos napag-alaman na ang pamamaraan ng pagkabunyag ng katotohanan ay nakaka-apekto sa damdamin, reaksyon, pananaw sa sarili, relasyon sa adoptive na magulang at ibang tao, at mga plano sa hinaharap ng isang ampon. Kapag banayad at tapat ang mga adoptive na magulang sa ampon ay positibo ang nagiging damdamin, reaksyon, pananaw sa sarili, relasyon, at plano nito. Ngunit nagkakaroon ng problema at negatibong damdamin, reaksyon, pananaw sa sarili, relasyon, at plano nito kung ang pagkaalam sa katotohanan ay hindi naging maganda.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU11027

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

133 numb. leaves ; Computer print-out.

This document is currently not available here.

Share

COinS