Pagiging kapwa sa proseso ng pagkilala
Date of Publication
2002
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang pag-aaral ay isinagawa upang makatulong sa pagiintindi ng kapwa bilang isang karanasan. Ang papel ay eksploratibo at gumamit ng chain referral sa pagkuha ng labinlimang Pilipinong estudyanteng taga-probinsya at nag-aaral kasalukuyan sa Unibersidad ng De La Salle. Malalimang pakikipanayam ang metodong ginamit at ang instrumento ay gabay. Maunang nagsagawa ng pilot study ang mga mananaliksik at pagkatapos ay tinanskrayb at kinontent analysis. Gustong malaman ng mga mananaliksik ang (1) proseso ng pagkikilala, (2) proseso at dahilan ng pagiging kapwa at (3) proseso at dahilan ng pagiging di-kapwa. Sa pag-aaral na ito, tinukoy muna ng mga mananaliksik ang mga proseso na dinaanan ng isang tao mula sa di pagkakilala hanggang sa pagiging kaibigan, malapit na kaibigan o paghihiwalay. At pagkatapos ay inalam kung sanhi ba ang proseso sa pagiging kapwa/di-kapwa ang isang tao. Ngunit base sa mga nakalap na datos, napansin ng mga mananaliksik na hindi basehan sa pag-aaral na ito ang proseso, kundi ang mga dahilan na binigay ng mga kalahok kung bakit nila kapwa o di-kapwa ang isang tao. Ang mga dahilan upang maturing na kapwa ang isang tao ay, (1) maaaring lahat ng tao ay tinuturing na kapwa, (2) mayroon pagkakatulad, na madalas nakikita sa paraan ng pamumuhay at yaman, (3) pagkakaroon ng umiiral na bagay, na nakikita sa pamamagitan ng pagkakaroon ng relasyon, pakialam, karamay, o interaksyon, (4) pagkagusto sa tao, (5) paniniwala o persepsyon sa tao na ginagamit ng mga taong mayroong preperensiya kung ano lamang mga kaugalian na dapat ay mayroon o wala sa kanilang mga kapwa (6) pagkakaroon ng isang aspekto o maari ring base ito sa degree ng pagkakilala/interakyson sa tao, na kung saan dapat ay mayroong katagalan ang pagkakilala at malalim na antas ng interaksyon. Samantala, ang mga dahilan upang maging di-kapwa ang isang tao ay ang pagkakaroon ng (1) di kanais na kalagayan o pangyayari, (2) di kanais na pag-uugali, (3) mababang digri ng pagkakakilala, (4) nagkahiwalay at (5) di kanais na kilos.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU10992
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
158 leaves ; Computer print-out.
Recommended Citation
Javina, J., Sy, J. L., & Yupangco, D. (2002). Pagiging kapwa sa proseso ng pagkilala. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11722