Balakid sa SSS Retirement Benefits: Kuwento ng mga Babaeng May-ari ng Sari-sari Store sa Navotas City

Document Types

Paper Presentation

Research Theme (for Paper Presentation and Poster Presentation submissions only)

Socio-Economic and Political Landscape (SPL)

School Name

De La Salle University, Manila

Track or Strand

Humanities and Social Science (HUMSS)

Research Advisor (Last Name, First Name, Middle Initial)

Alemania, Belle Beatriex', M.

Start Date

23-6-2026 1:30 PM

End Date

23-6-2026 3:00 PM

Zoom Link/ Room Assignment

DLSU Manila Campus (In-person) - Don Enrique T. Yuchengco Hall - Y405

Abstract/Executive Summary

Malaking hamon pa rin para sa mga impormal na manggagawa ang pag-access sa Social Security System (SSS), sa kabila ng layunin nitong magbigay ng pangmatagalang pinansyal na seguridad. Sinuri sa pag-aaral kung paano hinuhubog ng araw-araw na kalagayang pang-ekonomiko ng mga babaeng may-ari ng sari-sari store ang kanilang partisipasyon sa SSS. Gumamit ng kwalitatibong multiple case study design at pakikipagkuwentuhan, isang katutubong pamamaraan na nakabatay sa impormal na pagbabahagi ng kuwento, sa limang babaeng may-ari ng sari-sari store sa Barangay San Jose, Navotas City, na nasa edad 49–60 bilang mga kalahok. Sinuri ang datos gamit ang cross-case analysis upang matukoy ang mga tema at mahahalagang pagkakaiba sa kanilang mga karanasan. Natuklasan na tinitingnan ng mga kalahok ang pagreretiro bilang isang hindi tiyak na proseso na pangunahing nakabatay sa kanilang kahandaang pinansyal, obligasyon sa pamilya, at pangangailangang magpatuloy sa pagtatrabaho upang mabuhay. Nalilimitahan ang kanilang partisipasyon sa SSS dahil sa limitadong kita, kakulangan sa oras at impormasyon, at intergenerational na obligasyon, na nagreresulta sa hindi tuloy-tuloy o minimal na kontribusyon. Bagama’t kinikilala nila ang halaga ng mga benepisyo ng SSS, mas binibigyang prayoridad ang pagsustento sa araw-araw na pangangailangan ng pamilya, at pag-invest sa ari-arian kaysa sa mga pormal na sistema ng pagreretiro. Binigyang-diin ng mga natuklasang ito ang puwang sa saklaw ng social protection at ipinapakita ang pangangailangan para sa mas inklusibo at kontekstuwalisadong patakaran sa social security na tumutugon sa aktuwal na karanasan ng kababaihan sa impormal na ekonomiya.

Keywords

kababaihan; impormal na sektor; pagreretiro; sari-sari store; Social Security System (SSS)

Statement of Originality

yes

This document is currently not available here.

Share

COinS
 
Jun 23rd, 1:30 PM Jun 23rd, 3:00 PM

Balakid sa SSS Retirement Benefits: Kuwento ng mga Babaeng May-ari ng Sari-sari Store sa Navotas City

Malaking hamon pa rin para sa mga impormal na manggagawa ang pag-access sa Social Security System (SSS), sa kabila ng layunin nitong magbigay ng pangmatagalang pinansyal na seguridad. Sinuri sa pag-aaral kung paano hinuhubog ng araw-araw na kalagayang pang-ekonomiko ng mga babaeng may-ari ng sari-sari store ang kanilang partisipasyon sa SSS. Gumamit ng kwalitatibong multiple case study design at pakikipagkuwentuhan, isang katutubong pamamaraan na nakabatay sa impormal na pagbabahagi ng kuwento, sa limang babaeng may-ari ng sari-sari store sa Barangay San Jose, Navotas City, na nasa edad 49–60 bilang mga kalahok. Sinuri ang datos gamit ang cross-case analysis upang matukoy ang mga tema at mahahalagang pagkakaiba sa kanilang mga karanasan. Natuklasan na tinitingnan ng mga kalahok ang pagreretiro bilang isang hindi tiyak na proseso na pangunahing nakabatay sa kanilang kahandaang pinansyal, obligasyon sa pamilya, at pangangailangang magpatuloy sa pagtatrabaho upang mabuhay. Nalilimitahan ang kanilang partisipasyon sa SSS dahil sa limitadong kita, kakulangan sa oras at impormasyon, at intergenerational na obligasyon, na nagreresulta sa hindi tuloy-tuloy o minimal na kontribusyon. Bagama’t kinikilala nila ang halaga ng mga benepisyo ng SSS, mas binibigyang prayoridad ang pagsustento sa araw-araw na pangangailangan ng pamilya, at pag-invest sa ari-arian kaysa sa mga pormal na sistema ng pagreretiro. Binigyang-diin ng mga natuklasang ito ang puwang sa saklaw ng social protection at ipinapakita ang pangangailangan para sa mas inklusibo at kontekstuwalisadong patakaran sa social security na tumutugon sa aktuwal na karanasan ng kababaihan sa impormal na ekonomiya.

https://animorepository.dlsu.edu.ph/conf_shsrescon/2026/BoA_SPL/14