Sa Likod ng mga Larawan: Biswal na Pagsusuri sa Politikal na Imahen ni Bise Presidente Sara Duterte sa Facebook sa Lente ng Visual Framing
Document Types
Paper Presentation
Research Theme (for Paper Presentation and Poster Presentation submissions only)
Media and Philippine Studies (MPS)
School Name
De La Salle University, Manila
Track or Strand
Humanities and Social Science (HUMSS)
Research Advisor (Last Name, First Name, Middle Initial)
Ople, Lheris May, R.
Start Date
23-6-2026 3:30 PM
End Date
23-6-2026 5:00 PM
Zoom Link/ Room Assignment
DLSU Manila Campus (In-person) - Don Enrique T. Yuchengco Hall - Y304
Abstract/Executive Summary
Sa kasalukuyang panahon, hindi na lamang isang plataporma para sa komunikasyon ang Facebook kundi isang makapangyarihang midyum sa paghubog ng pampolitikal na imahen ng mga nanunungkulan. Sa ganitong konteksto, sinuri ng pananaliksik kung paano ginagamit ni Bise Presidente Sara Duterte ang mga larawang ipinaskil sa kaniyang opisyal na Facebook page upang ipakita ang kaniyang panunungkulan at hubugin ang kaniyang pampolitikal na imahen sa panahon ng kaniyang pagharap sa kasong impeachment. Gamit ang Visual Framing Analysis nina Rodriguez at Dimitrova (2011), sinuri ang 77 piling larawan mula Disyembre 1, 2024 hanggang Hulyo 31, 2025 sa pamamagitan ng apat na antas: denotatibo, stylistic-semiotic, konotatibo, at ideolohikal. Mula rito, lumitaw ang tatlong pangunahing tema: pagganap sa opisyal na tungkulin, personal na identidad, at institusyonal na koneksyon. Ipinakita ng resulta na ang opisyal na Facebook page ay nagsisilbing estratehikong lunsaran ng visual framing upang kontrahin ang mga negatibong naratibo kaugnay ng impeachment at patatagin ang kaniyang pampolitikal na imahen. Kadalasang inilalarawan siya sa mga publikong espasyo kasama ang iba’t ibang sektor upang bigyang-diin ang pagiging malapit sa masa. Sa pamamagitin ng mga teknik tulad ng eye-level at medium shots, nabubuo ang impresyong pagiging relatable, habang ang low-angle shots sa mga pormal na okasyon ay nagpapakita ng kaniyang awtoridad. Sa kabuuan, ipinapakita ng pag-aaral na ang Facebook ay nagsisilbing isang espasyo para sa political branding at paghubog ng pampolitikal na imahen sa gitna ng mga kontemporaryong isyung politikal.
Keywords
Sara Duterte; visual framing analysis; Facebook; media presentation; Philippine politics
Initial Consent for Publication
yes
Statement of Originality

https://animorepository.dlsu.edu.ph/conf_shsrescon/2026/BoA_MPS/5