PANITI-WAKAL: Pagsusuri sa Konsepto ng Pagpapatiwakal ng mga Tauhan sa mga Piling Maikling Kuwentong Filipino sa Ika-21 Siglo
Document Types
Paper Presentation
Research Theme (for Paper Presentation and Poster Presentation submissions only)
Media and Philippine Studies (MPS)
School Name
De La Salle University Senior High School
Track or Strand
Humanities and Social Science (HUMSS)
Research Advisor (Last Name, First Name, Middle Initial)
Atazar, Gerald, D.
Start Date
23-6-2026 3:30 PM
End Date
23-6-2026 5:00 PM
Zoom Link/ Room Assignment
DLSU Manila Campus (In-person) - Don Enrique T. Yuchengco Hall - Y405
Abstract/Executive Summary
Isa ang pagpapatiwakal sa mga masalimuot at higit sa lahat, sensitibong isyu sa lipunang Pilipino (Quintos, 2018). Ang panitikang Filipino bilang salamin ng mga tunggalian sa lipunan ay mabisang instrumento sa pagsusuri ng mga isyung panlipunan at pangkaisipan (Tolentino, 2009; Tarrayo, 2018). Kung kaya, sinusuri ng pag-aaral na ito ang representasyon ng pagpapatiwakal sa tatlong piling maikling kuwentong Filipino (MKF) na inilimbag sa ika-21 siglo. Nilayon ng pananaliksik na sagutin ang sumusunod: 1) paano inilalarawan ang mga panloob na salik ng mga karakter na humahantong sa pagpapatiwakal; 2) paano nakakaapekto ang mga konteksto sa ligid ng akda sa paghubog ng desisyong ito; at 3) paano sinasalamin ng mga karakter ang kanilang dinadalang pasanin bilang paglalarawan sa konsepto ng pagpapatiwakal sa kontemporaneong panitikan. Ginamit sa pag-aaral ang kuwalitatibong pagsusuring pangnilalaman at hulwarang Loob, Ligid, at Lalim ni Zafra (2021). Nakasandig din ang pagsusuri sa Modelo ng Pagdadala ni Decenteceo (1999) upang mailarawan ang sikolohikal na prosesong pinagdaanan ng mga tauhan. Natuklasan na ang pagpapatiwakal sa mga akda ay bunga ng naipong pasaning emosyonal, stigma, at mapaniil na presyur ng lipunan na humuhubog sa identidad ng indibidwal. Ibinunyag din ng pagsusuri na nagsisilbing komentaryong panlipunan ang mga akda hinggil sa mga isyung nakaangkla sa mental health. Sa kabuuan, muling binibigyang-kahulugan ng mga karakter ang kabatiran ng lipunang Pilipino sa pagpapatiwakal sa pamamagitan ng paglikha ng espasyong malaya sa panghuhusga, habang inilalantad ang masalimuot na realidad ng mga indibidwal na may kinakaharap na suliraning pangkaisipan.
Keywords
pagpapatiwakal; ika-21 siglo; karakter; maikling kuwento; pagdadala model; loob-ligid-lalim
Initial Consent for Publication
yes
Statement of Originality

https://animorepository.dlsu.edu.ph/conf_shsrescon/2026/BoA_MPS/20