Mga Lilim sa Likod ng Bahaghari at Hamon tungo sa pagkamit sa Hangaring Lipunan ng mga Boomer LGBTQIA+ na Nagpasiyang Hindi Maging Magulang

Document Types

Paper Presentation

Research Theme (for Paper Presentation and Poster Presentation submissions only)

Media and Philippine Studies (MPS)

School Name

De La Salle University - Laguna Campus

Track or Strand

Humanities and Social Science (HUMSS)

Research Advisor (Last Name, First Name, Middle Initial)

Vicentino, Leo

Start Date

25-6-2026 10:30 AM

End Date

25-6-2026 12:00 PM

Zoom Link/ Room Assignment

Online - https://zoom.us/j/94569671692?pwd=Fj3c3ELOebE6QbqbJOOH9wMuildoEc.1 Meeting ID: 945 6967 1692 | Passcode: research

Abstract/Executive Summary

Sa kasaysayan ng invisibility o pamumuhay sa lilim ng LGBTQIA+ sa estado sa Pilipinas at sa mundo, kinakailangan ng marami pang dokumentasyon upang sistematikong masuri ang epektong hamon ng kawalan ng pagkilala sa bawat miyembro nito at matunton ang kanilang hangarin. Isa sa mga nakikitang usapin na kailangang masuri pa ay ang halimbawang interseksyon ng kanilang sanga-sangang identidad: pagiging bahagi ng LGBTQIA+, katandaan (aging), at gampanin (role) bilang posibleng magulang. Limitado ang pag-aaral na sumusuri ng karanasan ng  mga miyembro na nasa mataas na edad at pagtukoy sa pakahulugan nila sa mga karanasang nagdaan na may kaugnayan sa kanilang identidad. Marami sa LGBTQIA+ members na may edad 60 pataas ay nananatiling nag-iisa sa buhay (single), kung hindi naman ay tumatayong pangalawang magulang (co-parent). Ngunit sa sanga-sangang identidad na ito ay nais pagtuunan ng pag-aaral na ito ang pinaka hindi gaanong nasusuri—mga piniling hindi maging magulang. Sa pamamagitan ng kwalitatibong pag-aaral, nakahanap ng anim na LGBTQIA+, edad 61+, at piniling hindi maging magulang sa Pilipinas. Gamit ang semi-structured interviews at reflective thematic analysis upang masagot ang layunin, may limang temang ugnay sa lilim at hamon ang lumitaw: misinterpreted happiness sa social isolation, constructed reality dulot ng bigat ng external pressure, institusyonal na salik, internalized oppression at homophobia, at iba pang tema tulad ng co-parenting, psychological implications sa pagpapalaki ng bata, at nosyon ng accepted family structure. Bilang hangarin, kinakailangan ng masusing policy change upang higit pang makilala at maibigay ng estado ang mga pangangailangang sosyal na serbisyong sentro para sa kanila.

Keywords

internalized homophobia; internalized oppression; intersectionality; parent; policy

Statement of Originality

yes

This document is currently not available here.

Share

COinS
 
Jun 25th, 10:30 AM Jun 25th, 12:00 PM

Mga Lilim sa Likod ng Bahaghari at Hamon tungo sa pagkamit sa Hangaring Lipunan ng mga Boomer LGBTQIA+ na Nagpasiyang Hindi Maging Magulang

Sa kasaysayan ng invisibility o pamumuhay sa lilim ng LGBTQIA+ sa estado sa Pilipinas at sa mundo, kinakailangan ng marami pang dokumentasyon upang sistematikong masuri ang epektong hamon ng kawalan ng pagkilala sa bawat miyembro nito at matunton ang kanilang hangarin. Isa sa mga nakikitang usapin na kailangang masuri pa ay ang halimbawang interseksyon ng kanilang sanga-sangang identidad: pagiging bahagi ng LGBTQIA+, katandaan (aging), at gampanin (role) bilang posibleng magulang. Limitado ang pag-aaral na sumusuri ng karanasan ng  mga miyembro na nasa mataas na edad at pagtukoy sa pakahulugan nila sa mga karanasang nagdaan na may kaugnayan sa kanilang identidad. Marami sa LGBTQIA+ members na may edad 60 pataas ay nananatiling nag-iisa sa buhay (single), kung hindi naman ay tumatayong pangalawang magulang (co-parent). Ngunit sa sanga-sangang identidad na ito ay nais pagtuunan ng pag-aaral na ito ang pinaka hindi gaanong nasusuri—mga piniling hindi maging magulang. Sa pamamagitan ng kwalitatibong pag-aaral, nakahanap ng anim na LGBTQIA+, edad 61+, at piniling hindi maging magulang sa Pilipinas. Gamit ang semi-structured interviews at reflective thematic analysis upang masagot ang layunin, may limang temang ugnay sa lilim at hamon ang lumitaw: misinterpreted happiness sa social isolation, constructed reality dulot ng bigat ng external pressure, institusyonal na salik, internalized oppression at homophobia, at iba pang tema tulad ng co-parenting, psychological implications sa pagpapalaki ng bata, at nosyon ng accepted family structure. Bilang hangarin, kinakailangan ng masusing policy change upang higit pang makilala at maibigay ng estado ang mga pangangailangang sosyal na serbisyong sentro para sa kanila.

https://animorepository.dlsu.edu.ph/conf_shsrescon/2026/BoA_MPS/2