Isang Tematikong Pagsusuri ng Kababaihang Isyu sa Sunshine (2024) at Fan Girl (2020) Gamit ang Feminist Film Theory
Document Types
Paper Presentation
Research Theme (for Paper Presentation and Poster Presentation submissions only)
Media and Philippine Studies (MPS)
School Name
De La Salle University, Laguna
Track or Strand
Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM)
Research Advisor (Last Name, First Name, Middle Initial)
Atazar, Gerald D.
Start Date
25-6-2026 10:30 AM
End Date
25-6-2026 12:00 PM
Zoom Link/ Room Assignment
DLSU Laguna Campus (In-person) - Enrique K. Razon Jr. Hall - EKR 407
Abstract/Executive Summary
Sinuri ng papel ang representasyon ng mga isyung pangkababaihan sa mga pelikulang Fan Girl (2020) at Sunshine (2024) ni Antoinette Jadaone. Mahalaga ang pelikula bilang midyum ng pagpapalaganap ng kamalayan hinggil sa mga isyu at pagtataguyod ng positibong representasyon ng kababaihan (Sheik et al., 2024). Gayunpaman, kakaunti pa lamang ang mga pananaliksik na nagsusuri sa representasyon ng mga isyung pangkababaihan sa modernong pelikula. Samakatuwid, ginamit sa pananaliksik ang thematic analysis at ang lente ng Feminist Film Theory ni Mulvey (1975) upang suriin ang mga pangunahing tema at mensaheng kaugnay ng mga isyung pangkababaihan. Pinanood ang mga pelikula at tinukoy mula rito ang mahahalagang tema, na hinati sa mga kodang inorganisa ayon sa mga elemento ng Feminist Film Theory, partikular ang male gaze, active male vs. passive female, ego libido, at scopophilia at voyeurism. Natuklasan na madalas na nakabase ang mga pelikula ni Jadaone sa mga elemento ng teorya, ngunit sa ilang pagkakataon ay sumasalungat sila rito, lalo na sa mga elementong ego libido at active male vs. passive female. Ipinapahiwatig nito na inilalarawan ng mga pelikula ni Jadaone ang mga isyung pangkababaihan mula sa lente ng kababaihan, sa halip na kampihin ang lalaking pananaw. Inilalahad nito ang kabuuang karanasan ng kababaihan at binibigyan sila ng ahensya. Inirerekomenda ng mga mananaliksik ang pagsusuri sa iba pang mga pelikula, paggamit ng iba pang lente ng peministang teorya, at pag-aaral din sa mga elementong audio-biswal ng pelikula sa pamamagitan ng Narrative o Formalist Analysis, gayundin ang patuloy na paggamit ng Feminist Film Theory.
Keywords
Feminist Film Theory; suri-pelikula; peminismo; isyung pangkababaihan; Pilipinong pelikula
Initial Consent for Publication
yes
Statement of Originality

https://animorepository.dlsu.edu.ph/conf_shsrescon/2026/BoA_MPS/12