WLW Bang Pag-Ibig?: Eksploratoryong Pagbagtas sa Dating ng Girls’ Love mula sa Pakikipagkuwentuhan ng mga Pilipinong Kababaihang Queer

Document Types

Paper Presentation

Research Theme (for Paper Presentation and Poster Presentation submissions only)

Gender, Human Development, and the Individual (GHI)

School Name

De La Salle University Senior High School - Manila

Track or Strand

Humanities and Social Science (HUMSS)

Research Advisor (Last Name, First Name, Middle Initial)

Mapugay, Ma. Jayanne, C.

Start Date

25-6-2026 10:30 AM

End Date

25-6-2026 12:00 PM

Zoom Link/ Room Assignment

Online - https://zoom.us/j/95274188371?pwd=bXhb7DQU3HQbLltdMsVaoT4A5iwGBr.1 Meeting ID: 952 7418 8371 | Passcode: research

Abstract/Executive Summary

Bagama’t dumami na ang mga pelikulang kabilang sa genre na Girls’ Love (GL), nananatiling limitado ang representasyon ng mga kababaihang queer sa lokal na midya. Patuloy na nasasaklaw sa iilang pag-aaral lamang ang pagsuri ng nilalaman ng lokal na GL na midya, at hindi pa higit na napag-aaralan ang persepsyon at sentimyento ng mga Pilipinong kababaihang queer sa representasyon nito sa kanila. Kaya naman, sa pag-aaral na ito, tiningnan ang direktang perspektibo ng kababaihang queer sa WLW o women-loving-women sa pamamagitan ng isang birtuwal na Pakikipagkuwentuhan na nilahukan ng pitong (7) Pilipinong kababaihang queer. Ginamit sa pagsusuri ng datos ang Interpretative Phenomenological Analysis (IPA) upang mabigyang-tutok ang kanilang mga karanasan at pagpapakahulugan sa representasyon ng WLW. Tinitingnan sa pagbibigay-kahulugan nila ang konsepto ng dating ng mga pelikula, at nakitang nakaangkla ang estetikal na pagtanggap sa kanilang personal, sosyal, pampanitikan, at pampublikasyon na karanasan. Kinikilala ng mga kalahok ang limitasyon at estereotipikal na representasyon sa limang (5) kontemporaryong GL na napagkuwentuhan, subalit nakita rin nila ang potensyal ng genre sa paglikha ng mas inklusibong lokal na naratibo na malapit sa kanilang realidad bilang mga Pilipinong kababaihang queer. Mula rito, mahalagang ambag sa pag-aral ng representasyon ang pagsasatinig sa mga sektor na kinakatawan nito, kung kaya’t nirerekumendang palawakin ang saklaw ng midya at demograpiko ng mga kalahok sa mga susunod na pananaliksik na tuon sa iba pang uri ng GL.

Keywords

Girls’ Love; WLW; kababaihang queer; Dating; Pakikipagkuwentuhan

Statement of Originality

yes

This document is currently not available here.

Share

COinS
 
Jun 25th, 10:30 AM Jun 25th, 12:00 PM

WLW Bang Pag-Ibig?: Eksploratoryong Pagbagtas sa Dating ng Girls’ Love mula sa Pakikipagkuwentuhan ng mga Pilipinong Kababaihang Queer

Bagama’t dumami na ang mga pelikulang kabilang sa genre na Girls’ Love (GL), nananatiling limitado ang representasyon ng mga kababaihang queer sa lokal na midya. Patuloy na nasasaklaw sa iilang pag-aaral lamang ang pagsuri ng nilalaman ng lokal na GL na midya, at hindi pa higit na napag-aaralan ang persepsyon at sentimyento ng mga Pilipinong kababaihang queer sa representasyon nito sa kanila. Kaya naman, sa pag-aaral na ito, tiningnan ang direktang perspektibo ng kababaihang queer sa WLW o women-loving-women sa pamamagitan ng isang birtuwal na Pakikipagkuwentuhan na nilahukan ng pitong (7) Pilipinong kababaihang queer. Ginamit sa pagsusuri ng datos ang Interpretative Phenomenological Analysis (IPA) upang mabigyang-tutok ang kanilang mga karanasan at pagpapakahulugan sa representasyon ng WLW. Tinitingnan sa pagbibigay-kahulugan nila ang konsepto ng dating ng mga pelikula, at nakitang nakaangkla ang estetikal na pagtanggap sa kanilang personal, sosyal, pampanitikan, at pampublikasyon na karanasan. Kinikilala ng mga kalahok ang limitasyon at estereotipikal na representasyon sa limang (5) kontemporaryong GL na napagkuwentuhan, subalit nakita rin nila ang potensyal ng genre sa paglikha ng mas inklusibong lokal na naratibo na malapit sa kanilang realidad bilang mga Pilipinong kababaihang queer. Mula rito, mahalagang ambag sa pag-aral ng representasyon ang pagsasatinig sa mga sektor na kinakatawan nito, kung kaya’t nirerekumendang palawakin ang saklaw ng midya at demograpiko ng mga kalahok sa mga susunod na pananaliksik na tuon sa iba pang uri ng GL.

https://animorepository.dlsu.edu.ph/conf_shsrescon/2026/BoA_GHI/9