Karanasan at Hamon na Kinakaharap ng mga Mag-aaral ng Baitang 11 ng Assumption College San Lorenzo sa Pagbuo ng Virtual Brand Identity

Document Types

Business Presentation

Research Advisor (Last Name, First Name, Middle Initial)

Imelda E. Bitancor Rica Mae F. Perigil

Abstract/Executive Summary

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang mga karanasan at hamon na kinaharap ng mga mag-aaral ng Baitang 11 ng Assumption College San Lorenzo na kumukuha ng Accountancy, Business & Management Strand sa pagbuo ng Visual Brand Identity para sa kanilang binuong negosyo. Ang instrumentong ginamit sa pagkuha ng datos ay ang Patnubay na Talatanungan na may labing apat (14) na tanong tungkol sa karanasan, hamong naranasan, at kahalagahan ng pagbubuo ng Visual Brand Identity. Ginamit ang purposive sampling teknik para sa paghanap ng sampung (10) kalahok galing sa Baitang 11 ng Assumption College. Nagsimula ang proseso sa paggawa ng mga gabay na tanong para sa interbyu, at ipinaaprubahan ito sa dalubguro. Pagkatapos, ginamit ang zoom video call para sa aktwal na interbyu. Natuklasan sa pag-aaral na gumamit ng iba’t ibang estratehiya, social media trends, at kolaborasyon sa kanilang karanasan ng Visual Brand Identity. Lumitaw din ang hamon sa pagbuo ng akmang Visual Brand Identity para sa mensahe na nais nilang iparating. Sa huli, natuklasan na mahalaga ang Visual Brand Identity bilang representasyon ng kanilang negosyo sapagkat makikita rito kung ano ang nagpapahiwalay sa kanila. Batay sa mga resultang inilahad, ang karanasan at hamon nila sa pagbuo ng Visual Brand Identity ay nakatuon sa paggamit ng mga software, websites at sa proseso ng pagpili ng disenyo ng negosyo.

Keywords

visual brand identity; negosyo; karanasan; Baitang 11

Research Theme (for Paper Presentation and Poster Presentation submissions only)

Business Research

This document is currently not available here.

Share

COinS
 
May 13th, 10:30 AM May 13th, 12:00 PM