Document Types

Paper Presentation

School Code

n/a

School Name

De La Salle University Integrated School, Laguna

Research Advisor (Last Name, First Name, Middle Initial)

Taeza, Jeyson T.

Abstract/Executive Summary

Ang pandemyang COVID-19 ay maituturing na pinakamalubhang pangkalusugang krisis na kinahaharap ng Pilipinas. Maraming sektor ng lipunan ang naapektuhan tulad ng edukasyon, transportasyon, at ekonomiya, lalo na ang industriya ng entertainment. Sa industriyang ito, isa sa mga pinakanaapektuhan ang mga comedy bar performers dahil sa pansamantala o permanenteng pagsasara ng mga comedy bars na pangunahing pinagkukunan nila ng kabuhayan. Layunin ng pag-aaral na balangkasin ang diwa at karanasan ng mga comedy bar performers sa panahon ng pandemya gamit ang “Konsepto ng Loob” ni Fr. Albert Alejo. Sinuri sa pag-aaral ang kamalayan ng mga comedy bar performers sa panahon ng pandemya (Abot-Malay), ang kanilang mga pag-aangkop sa kasagsagan ng pandemya (Abot-Dama), at ang mga paraan ng pagpapatuloy ng mga comedy bar performers sa panahon ng pandemya (Abot-Kaya). Kinalap ang mga datos sa pamamagitan ng dalawang serye ng katutubong pamamaraan na Pakikipagkuwentuhan sa mga comedy bar performers. Ang mga nakalap na datos ay sumailalim sa proseso ng transkripsiyon at coding. Sinuri at isinatema ang mga nakalap na datos batay sa iba’t ibang aspekto ng “Konsepto ng Loob.” Batay sa pag-aaral, malay ang mga kalahok sa kalagayan ng kanilang kapaligiran. Ang kamalayang ito ang pangunahing dahilan ng kanilang reaksyon at pagtugon sa pandemya. Samakatuwid, ang pag-aangkop sa panahon ng pandemya ay hindi lamang nakatuon sa pansariling kagustuhan ng isang indibidwal na ito ay mapagtagumpayan. Ito ay isang multi- sektoral na pagsulong na kinabibilangang ng sistematikong paglalatag at pagpapatupad ng mga plano at polisiya.

Keywords

pandemya; comedy bar performers; Abot-Malay; Abot-Dama; Abot-Kaya

Share

COinS
 
Apr 30th, 8:00 AM Apr 30th, 10:00 AM

Kamalayan, Pag-aangkop, at Pagpapatuloy: Pagbalangkas sa Diwa at Danas ng mga Comedy Bar Performers sa Panahon ng Pandemya Gamit ang Konsepto ng “Loob” ni Fr. Albert Alejo