Document Types
Paper Presentation
School Code
n/a
School Name
De La Salle Integrated School, Laguna
Research Advisor (Last Name, First Name, Middle Initial)
Taeza, Jeyson T.
Abstract/Executive Summary
Ang Pilipinas ay mayaman sa iba’t ibang katutubong pamamaraan ng pagpapagaling na may kaugnayan sa kultura, paniniwala, at tradisyon ng mga Pilipino. Sa kasalukuyan, marami pa ring mga katutubong pamamaraan ng pagpapagaling sa bansa ang hindi naitatala, partikular ang ilang mga lugar na malapit sa Bundok Banahaw. Layunin ng pag-aaral na ito na magsagawa ng isang preliminaryong pagtatala sa magnetic folk healing bilang katutubong pamamaraan ng pagpapagaling sa Barangay Kinabuhayan at Sta. Lucia, Dolores, Quezon. Ang case study na ito ay nakapokus kay Ate Mel, isang magnetic folk healer. Kinalap ang mga datos sa katutubong pamamaraan ng pakikipagkwentuhan at nakikiugaling pagmamasid. Sinuri ang mga datos batay sa paraan ng pagtamo ng magnetic folk healing, proseso ng pagpapagaling, at mga naratibong may kaugnayan sa mga paniniwala sa Bundok Banahaw. Ang paraan ng pagtamo ng magnetic folk healing ay nakaangkla sa kapangyarihan na nakapaloob sa Bundok Banahaw sa Dolores, Quezon. Ang kakayahan ng magnetic folk healer ay ipinagkakaloob sa mga taong may pananampalataya at paggalang sa kapangyarihang taglay ng Bundok Banahaw. Inilatag din ng pag-aaral na ito ang mga proseso ng pagriritwal at materyales na ginamit sa magnetic folk healing tulad ng langis. Siniyasat din ng pag-aaral na ito ang mga naratibong mula sa kasangkot ng pag-aaral na may kaugnayan sa mga paniniwala sa mga nilalang na nasa ikatlong uri, tulad ng engkanto, duwende, at mga espiritu. Sa pangkalahatan, sa kabila ng pag-usbong ng modernong medisina, nananatiling may mga Pilipinong sumasangguni sa mga katutubong pamamaraan ng pagpapagaling tulad ng magnetic folk healing.
Keywords
magnetic folk healing; proseso; ritwal; katutubo; Bundok Banahaw
Initial Consent for Publication
yes
Mga Proseso at Naratibo: Isang Preliminaryong Pagtatala sa Magnetic Folk Healing Bilang Katutubong Pamamaraan ng Pagpapagaling sa Barangay Kinabuhayan at Sta. Lucia, Dolores, Quezon