Document Types

Paper Presentation

School Code

N/A

School Name

Assumption College, San Lorenzo, Makati

Abstract/Executive Summary

Taong 2020 nang simulang mapabalita ang nakahahawang sakit na Covid-19, nang dahil dito maraming ospital ang unti-unting napuno ng mga pasyente at isa sa mga matatapang at magigiting na frontliners na humaharap at patuloy na lumalaban dito ay ang mga doktor. Kaugnay nito nakatuon ang pag-aaral na ito sa mga karanasan ng mga medikal frontliners partikular na ang mga doktor sa kanilang coping mechanisms at motibasyon sa pagharap sa stress at burnout. Gumamit ang mga mananaliksik ng 13 Patnubay na talatanungan na ginamit sa 15 kalahok na pinili gamit ang purposive sampling teknik. Batay sa isinagawang pagsusuri natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga dahilan ng kanilang stress at burnout ay ang mabibigat na kondisyon sa trabaho, exposure sa Covid-19, seguridad ng trabaho, at problema sa kalusugang mental. Samantala ang kanilang mga coping mechanisms ay pagkain, komunikasyon sa pamilya at kaibigan, self-care, emotional release, entertainment, at ispiritwal. Panghuli ang pangako sa tungkulin, pamilya, at pasyente ang nagsisilbing motibasyon nila. Sa kabuoan hindi naging madali ang pagiging medikal frontliner lalo na sa panahon ng pandemya. Bagama’t ganito ang sitwasyon hindi pa rin tumitigil ang mga doktor dahil pinanghahawakan nila ang kanilang sinumpaang tungkulin.

Keywords

stress; burnout; motibasyon; coping; mechanisms

Research Theme (for Paper Presentation and Poster Presentation submissions only)

Food, Nutrition, and Health (FNH)

Share

COinS
 
Apr 29th, 1:00 PM Apr 29th, 3:00 PM

Ang mga Coping Mechanisms at Motibasyon ng mga Medikal na Frontliners hinggil sa Stress at Burnout sa Panahon ng Pandemya 2021