•  
  •  
 

Akda: The Asian Journal of Literature, Culture, Performance

Keywords

balintuna, pesimismo, pag-asa, sugat ng salita, kirot ng kataga (paradox, pessimism, hope, sugat ng salita, kirot ng kataga)

Abstract

Sa sanaysay na ito, ginagalugad ang isa sa mga birtud ng panulaan ni Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura Cirilo F. Bautista—ang balintuna, sa pangunahin, ang balintuna ng pesimismo at pag-asa kaugnay ng pagpaksa sa mga usapin, suliranin, at penomenong panlipunan ng kanyang panahon hanggang sa kasalukuyan. Pinagninilayan din ang bait at bisa ng kanyang mga tula na nakasalalay sa kabatirang kapwa lubhang mahalaga at di-makasasapat ang wika upang, aniya, ay “ipahayag ang ating isip at damdamin” na nagbunsod sa kanya sa pagbuo ng pormulasyong “sugat ng salita” at “kirot ng kataga”—kapwa ginamit bilang mga susing konsepto ng kanyang dalawang aklat ng tula sa Filipino.

(This essay explores one of the virtues of the poetry of National Artist for Literature Cirilo F. Bautista—paradox, primarily the paradox of pessimism and hope vis-à-vis the concerns, dilemmas, and social phenomena of his time until the present. This essay also examines the insight and influence of Bautista’s poems, which rely on the idea that language is both greatly significant and insufficient to, in his words, “express our thoughts and feelings.” This idea gave rise to his formulation of “sugat ng salita” and “kirot ng kataga”—which became the key concepts of his two poetry books in Filipino.)

Video Abstract

Share

COinS