•  
  •  
 

Akda: The Asian Journal of Literature, Culture, Performance

Keywords

rehiyonal, panitikang rehiyonal, pambansa, bernakular, Bienvenido Lumbera (regional, regional literature, national, vernacular, Bienvenido Lumbera)

Abstract

Panahon na para tanggapin nating hindi na nakatutulong ang katawagang “panitikang rehiyonal” o “mga panitikan mula sa rehiyon” o “rehiyonal na panitikan” sa pag-aaral ng panitikang Pilipino. Nakatulong ang mga katawagang ito sa paghiraya natin ng mas makatarungan at makatwiran na imahen ng ating bayan. Sa kabila ng pagpapaalala ng pambansang alagad ng panitikan na si Bienvenido Lumbera na ang panitikang rehiyonal ay tumutukoy sa mga panitikan sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas kabilang na ang rehiyon na Tagalog ang wika, nananatili ang pag-unawa sa panitikang rehiyonal na panitikan ng mga wika sa Pilipinas maliban sa Tagalog. Sa madaling salita, nananaig ang hindi pantay na pag-unawa sa mga panitikan sa Pilipinas sa katawagang “panitikang rehiyonal.” Kung babalikan natin ang tatlo sa mga naunang kritikal na akda ni Bienvenido Lumbera noong dekada sitenta, darating tayo sa paghahaka na walang panitikang rehiyonal. Lahat ay panitikan ng Pilipinas. Babalikan sa papel na ito ang tatlo sa mga unang kritikal na akda ni Lumbera tungkol sa panitikang Pilipino: ang “Towards a Revised History of Philippine Literature”; “The Rugged Terrain of Vernacular Literature”; at “Breaking Through and Away.” Sa mga sanaysay na ito mababagtas natin ang mga hakbang sa pag-akda ni Lumbera sa pagbubuo ng imahen ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga panitikan nito.

(The use of the category “regional literature” in the study of Philippine literatures started as part of an effort to make the imagined national body more cognizant of literatures in languages other than Tagalog (which served as the basis for Filipino, the official national language and de facto national lingua franca). Over the years, however, its usage seemed to contradict its own intended function. Instead of distributing the national space equally to literatures in all Philippine languages, “regional literature” as the category has been used by Filipino scholars and writers, continue to be marked as something different, and as such, inferior. This short paper is a rereading of three of the early critical works by the National Artist for Literature Bienvenido Lumbera: “Towards a Revised History of Philippine Literature”; “The Rugged Terrain of Vernacular Literature”; and “Breaking Through and Away.” These essays were written at a time when Filipino writings in English held sway prompting Lumbera to revise Philippine literary history. Lumbera’s three critical essays functioned as a sort of “tool box” for many scholars researching Philippine literature in the different languages of the Philippines in the succeeding decades.)

Share

COinS