Akda: The Asian Journal of Literature, Culture, Performance
Keywords
pamilya, kasambahay, ideolohiya, maternidad, trabaho, diktadurya, patriyarka (family, domesticity, ideology, maternity, labor, dictatorship, patriarchy)
Abstract
Ang Dekada ’70 ay dokumentong historikal at mala-alegorikong testimonya ng karanasan ng medya-klaseng taga-lungsod noong panahon ng diktaduryang Marcos. Nakakintal sa salaysay ng isang ina-asawa, Amanda Bartolome, ang pakikipagsapalaran ng kolektibong memorya at pag-asa. Sa realistikong pagsasadula ng ideolohiya ng maternidad, nilikha ni Bautista ang isang maramdaming salaysay ng pagpupunyagi ng ina/asawang isagawa ang ritwal ng malayang pag-asal na sumusuri sa patriyarkong awtoridad at imperyalistikong gahum. Gamit dito ang konsepto ng kontradiksiyon ng publiko-pribadong paghahati sa lipunan upang linawin ang diyalektika ng politikang seksuwal sa pagitan ng kalayaang personal at pagsisilbing pampamilya. Hinahamon ng proyekto ni Bautista na gawing makabayan ang mapagpalayang sikap ng kababaihan, ang ortodoksiyang peminismo at krudong materyalismo, habang inilalantad ang limitasyon ng kulturang popular na nabalaho sa melodramatiko’t sentimentalismong kargada nito.
(Dekada ’70 is both a historical document and a quasi-allegorical testimony of the urban middle-class’ experience in one decade of Marcos’ authoritarian rule. Episodic narration by wife-mother Amanda Bartolome stages the vicissitudes of collective memory and localized hopes. In a realistic rendering of how the ideology of motherhood operates, Bautista constructs a poignant chronicle of one-woman’s performance of nuanced rituals of self-emancipation that question patriarchal authority and imperial hegemony. The concept of the contradiction of public-private spheres in life serves to elucidate the dialectic of an emergent sexual politics in the heroine’s struggle to mediate between personal freedom and conjugal servitude. Bautista’s project of Filipinizing women’s liberation challenges both orthodox feminism and vulgar materialism while unwittingly exposing the limits of popular melodrama and nativist sentimentalism.)
Recommended Citation
San Juan, E. Jr.
(2022)
"Lakas ng Feministang Makabayan Laban sa Patriyarkang Diktadurya ng Imperyo: Pagsubok sa Interpretasyon ng Dekada ’70 ni Lualhati Bautista (The Power of Nationalist Feminism Against The Empire’s Patriarchal Dictatorship: Toward an Interpretation of Lualhati Bautista’s Dekada ’70 ),"
Akda: The Asian Journal of Literature, Culture, Performance: Vol. 2:
No.
1, Article 2.
DOI: https://doi.org/10.59588/2782-8875.1028
Available at:
https://animorepository.dlsu.edu.ph/akda/vol2/iss1/2
Included in
Creative Writing Commons, Feminist, Gender, and Sexuality Studies Commons, Pacific Islands Languages and Societies Commons, South and Southeast Asian Languages and Societies Commons