Mga padalang salapi bilang salik sa pagsulong ng pagnenegosyo ng mga sambahayang Filipino / Remittances as avenue for encouraging entrepreneurship among Filipino households

Added Title

Remittances as avenue for encouraging entrepreneurship among Filipino households

College

School of Economics

Document Type

Article

Source Title

Malay

Volume

24

Issue

1

First Page

1

Last Page

8

Publication Date

2011

Abstract

Ang pandarayuhang panlabas ng mga manggagawang Filipino ay nakaaapekto sa kabuhayan ng mga sambayanan dahil sa dami ng mga padalang salapi mula sa mga manggagawang Filipino sa ibayong dagat. Pinalago nito ang ekonomiya ng Filipinas at pinaunlad ang kabuhayan ng mga miyembro ng pamahayanan sa pamamagitan ng pagtaas ng kanilang kakayahang matustusan ang kanilang ibat'ibang pang-araw-araw na pangangailangan. Ang isyu na tinatalakay ng pag-aaral na ito ay kung paano ginagastos ng mga pamahayanan ang mga padalang salapi partikular na sa pagnenegosyo. Ang paglago ng taong-kapital at ideyang pagnenegosyo habang nagtratrabaho sa ibayong dagat ay maaaring magamit para sa pagbuo ng mga negosyo tulad ng maliliit na tindahan at iba pa. Ang pagnenegosyo ay nakatutulong sa paglaki ng kita ng sambahayan. Ito ay nagsisilbing insensitibo para sa pamahayanan upang magkaroon ng negosyo. Sa paggamit ng Qualitative Response Model (QRM), ang pag-aaral na ito ay sinusukat ang epekto ng pagdami ng padalang salapi sa desisyon ng isang sambahayan na magnegosyo. Binalangkas ng resulta ang proseso nang pagdedesisyon ng sambahayan tungo sa produktibong paggamit ng mga padalang salapi. Sa halip na gamitin ang mga padalang salapi sa pagkonsumo lamang, maaari itong gamtin sa pangangapital. Bilang karagdagan, ang mga sambahayan ay magkakaroon ng ideya ukol sa iba't-ibang paraan kung paano magpalago ng salapi. Sa kabilang dako, magkakaroon din ng ideya ang pamahalaan kung paano mabibigyang suporta ang mga sambahayan sa tamang paggamit ng kanilang salapi.

html

Disciplines

Economics | Entrepreneurial and Small Business Operations

Keywords

Emigrant remittances—Philippines; Entrepreneurship—Philippines; Small business—Philippines—Finance

Upload File

wf_no

This document is currently not available here.

Share

COinS