Added Title
The alternative in alternative media: A critical discourse analysis of AlterMidya's news articles
Document Type
Article
Source Title
Daluyan
Volume
27
Issue
2
First Page
92
Last Page
108
Publication Date
2021
Abstract
Pangunahing layunin ng pananaliksik na makapag-ambag sa limitadong korpus ng mga pag-aaral hinggil sa alternatibong midya at mailarawan kung paano ginagawang alternatibo ang pamamahayag sa Pilipinas ng AlterMidya – People’s Alternative Media Network (AlterMidya), ang pambansa at nag-iisang samahan ng mga alternatibong midya sa Pilipinas. Gamit ang mga kategoryang konseptuwal ni van Dijk at ang modelong may tatluhang-dimensiyon ni Fairclough, antas-antas na sinuri sa pag-aaral ang kalikasan ng pambansang network mula sa paghimay sa mga balitang inilalathala nito (text), patungo sa proseso ng produksiyon at interpretasyon ng teksto (discourse practice), at hanggang sa mas malawak na mga sitwasyon at kontekstong kultural, politikal, historikal, at sosyal na umiiral sa lipunang Pilipino (socio- cultural practice). Lumabas sa pag-aaral na ginagawang alternatibo ng AlterMidya ang pamamahayag sa bansa sa pamamagitan ng pagtaliwas sa kalakaran, nilalaman, at hegemonya na umiiral sa mga dominanteng midya at pagbuo ng sariling sistema, kultura, at tradisyon sa pamamahayag. Inilalarawan ng pambansang network ang lipunan sa pananaw ng mga marhinalisadong pangkat, komunidad, o sektor na karaniwang pinagsasawalang bahala, hindi pinapansin, o kinaliligtaan ng mga naghaharing midya. Gayundin, hindi lamang basta nakakulong ang samahan sa paglalahad ng mga kontra-naratibo sa mga nangingibabaw na kuwento, bagkus ay gumagampan ito ng malaking tungkulin sa nararanasang krisis sa impormasyon ng bansa at sa samu’t saring isyu at suliraning umiiral sa lipunang Pilipino.
The paper aims to contribute to the limited corpus of studies on alternative media and describe how AlterMidya – People’s Alternative Media Network (AlterMidya), the national network of independent and alternative media outfits, institutions, practitioners, and individuals in the Philippines, provides alternative news in the country. Using van Dijk’s conceptual categories and Fairclough’s three- dimensional model, the research analysed AlterMidya’s 1) news articles (text), 2) process of production and interpretation of text (discourse practice), and 3) the existing cultural, political, historical, and social situations and contexts in Philippine media (socio-cultural practice). The results of the study showed that AlterMidya provides alternative news in the country by challenging the dominant capitalist content and practices, and constructing its own system, culture, and tradition in journalism. The national network describes society through the lens of the marginalized groups, communities, and sectors that are underrepresented, misrepresented, or unrepresented in the dominant media. Finally, AlterMidya is not only limited to providing counter-narratives to dominant stories but also plays a pivotal role in the current information crisis and the various issues and problems that exist in Philippine society.
html
Recommended Citation
Gopez, C. P. (2021). Ang alternatibo sa alternatibong pamamahayag: Isang kritikal na diskursong analisis sa mga balita ng AlterMidya = The alternative in alternative media: A critical discourse analysis of AlterMidya's news articles. Daluyan, 27 (2), 92-108. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/8034
Disciplines
Communication Technology and New Media
Keywords
Alternative mass media--Philippines; Journalism
Upload File
wf_yes