Damdamin, daing, at dalangin karamdaman at kalooban sa sikopatolohiya ng Pilipino = Intuitive feeling, experiencing pain, faith-seeking: Ill health, innermost being in Filipino psychopathology
Added Title
Intuitive feeling, experiencing pain, faith-seeking: Ill health, innermost being in Filipino psychopathology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Document Type
Archival Material/Manuscript
Abstract
Sinuri sa pag-aaral ang mga pag-iisip sa larangang sikolinggwistika ang sikopatolohiya sa kontesktong Pilipino. Ang mga kaisipang ito'y buhat sa mga kinalap na kuwento (naratibo) sa kanayunan tungkol sa karamdaman partikular ang kabaliwan at ang kaugnayan nito sa kalooban at kaginhawaan. Mula sa malawak na malay natin sa loob ang katagang kalooban na siyang sinipat sa nararanasang karamdaman. Mula sa malawak na malay natin sa loob ang katagang kalooban na siyang sinipat sa nararanasang karamdaman. Ang naramdaman ay katagang galing sa dama, na siya ring ugat ng mga magkaugnay na salitang damdamin at pakiramdam. Inisa-isang tinugaygay simula sa mga talinhagang nagkukubli ng mga pakahulugan nito sa mga kataga hanggang sa gamit ng salita mismo sa ating wika't kultura ang pagsusuri patungkol sa karamdaman na kapara ng sakit, hirap, dusa. Ang karamdaman ay dinaranas sa katawan (ka-tao/w-h/an). Iniuugnay sa angin (salita rin ito sa Malaysia at Indonesia kapara ng hangin) at hinga na katulad sa espiritu, ang karamdaman. Nakakuha ng mga ebidensiyang empiriko mula sa mga naratibong naglalarawan ng karamdaman na nakatuon sa naiibang karanasan sa isipan pati kalihisan ng kilos o sikopatolohiya, ang danas sa dusa o dusta. Inihalimbawa sa karamdaman na isang danas sa dusa ang kabaliwan. May daing ang damdamin sa karamdaman. Ang dalangin ang dulog nito para sa kaginhawaan ng kalooban. Sa pamamanata o debosyon o di kaya sa pamumuwesto sa mga dambana ay nakadarama ng ginhawa.
Psychopathology in Philippine context is explored through psycholinguistics, i.e. doing analysis of indigenous conceptions related to mental illness (disorder) experience. Conceptions from the local language were generated from narratives that were gathered from rural folks about karamdaman (illness, sickness, disease, disorder) and its correlates kalooban (inner being) and kaginhawahan (well being). Loob is a fertile concept where kalooban is derived, in which too denotes the experience of karamdaman. Dama (sense of, experience of) is the root word of karamdaman, in which also the strongly related words damdamin and pakiramdam are rooted. Extracting from allegories and metaphors their meanings and how these words were explicitly used in our language and culture are the means by which karamdaman similar to sakit (pain), hirap (hardship/difficulty) and dusa (suffering) is analyzed. Karamdaman is experienced in the katawan (body) as well as with ones katauhan (being). Karamdaman is associated with angin (as also used in Malaysia and Indonesia to refer to air) and hinga (breath), which connotes similar meaning i.e. spirit. Empirical evidence from narratives about the experience of karamdaman particularly of mental illness, disordered mind, and deviant behavior were generated from the grassroots. Kabaliwan is a karamdaman (mental illness). Kabaliwan is cited to illustrate how the kalooban suffers from such an experience. Damdamin expresses the suffering and desires ginhawa (well being). Ginhawa is achieved through spiritual exercises such as in religious rites/rituals.
html
Recommended Citation
Javier, R. E. (2022). Damdamin, daing, at dalangin karamdaman at kalooban sa sikopatolohiya ng Pilipino = Intuitive feeling, experiencing pain, faith-seeking: Ill health, innermost being in Filipino psychopathology. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/6593
Disciplines
Other Psychology
Keywords
Psychology, Pathological; Diseases—Psychological aspects; Well-being—Psychological aspects
Upload File
wf_no