Pagkakaingin: Isang pagsuway sa batas kalikasan o teka! Kanino?
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Document Type
Archival Material/Manuscript
Abstract
Marami ng mga isyu ang pumapalaot tungkol sa sistema ng pagkakaingin ng maraming Pilipinong magsasaka lalo na sa mga probinsyang salat sa kaalaman tungkol dito, at nananatili silang nakatali sa makalumang paraan ng kanilang pagsasaka na kanila na kinamulatan noon pa man. Ang pagkakaingin, ayon sa Merriam Webster dictionary, ay isang paraan upang maihanda ang lupa upang gawing sakahan o taniman ng iba’t ibang gulay o iba pang pananim tulad ng palay sa paraan ng pagpuputol ng puno at pagsusunog nito upang gamitin ang mga abo ng mga punong ito upang gawing pataba sa lupa. Ito ay sinasabi ring isa sa mga dahilan kung bakit nawawala o nauubos ang mahahalagang punong kahoy sa ating kagubatan. Isa itong matandang kultura ng mga Pilipino na atin ng ginagawa kahit noong unang panahon pa lamang. Isa itong kultura na nakadikit na sa ating identidad at pagkatao bilang Pilipino. Sa kabilang banda, ang sistemang ito ay hindi katanggap-tanggap sa kasalukuyang panahon dahil na rin sa maraming adbokasiya tungkol sa pag-aalaga ng ating kalikasan. Ang panunumbalik ng sigla ng ating kagubatan ang isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ng ating mga dalubhasa upang atin itong maipamana pa sa mga susunod na salin lahi.
Napakaliit ng sistemang ito kung ating sisyasatin kung paano ba ito nakakaapekto ng malaki sa ating kagubatan. Siguro kung sabay-sabay na magsusunog ng punong kahoy ang lahat na magsasaka dito sa Pilipinas masasabi nating malaki ang epekto nito sa ating kalikasan. Sino ba ang gumagawa nito? Kalian ba nila malimit gawin ito? At teka, kanino ba sila takot? Sa galit ng kalikasan o sa taong naghuhukay ng kayamanan? Magsasaka ang gumagawa ng sistemang ito, nag-kakaingin sila, una, para maihanda ang lupa sa posibilidad ng gawin itong sakahan o taniman. Pangalawa, gumawa ng pataba na organic ang dating tulad ng mga abo ng punong kahoy. Pangatlo, sunugin ang mga punong kahoy upang magawang uling at maibenta para may maidagdag sa kita sa kabila ng pagiging magsasaka. Malimit ginagawa nila ito sa mga nabanggit na dahilan, kasalanan ba itong maituturing sa batas ng kalikasan o kasalanan ito sa batas ng tao na siyang nagdidikta ng tama o mali para sa kalikasan? Kulang ang kaalaman ng mga taong ito lalo na’t karamihan sa mga patuloy na gumagawa nito ay mga nasa probinsya at liblib na kanayunan sa Pilipinas.
Kung kasalanan nga ba sa kalikasan ang pagkakaingin o pagsusunog ng mga punong kahoy, katanggap-tanggap bang maituturing ang makabago at malawakang paglustay sa ating kagubatan na dala ng sistema ng industriya minahan? Ngayon, kasalanan din ba sa kalikasan ang pagmimina sa kabundukan para kumuha ng yaman ng lupa at maibenta ito sa mga negosyanteng nagongolekta ng karangyaan kung batas ng kalikasan ang pagbabatayan? Mahigpit nating ipinatupad ang pagbabawal sa sistema ng kaingin ngunit tinatangkilik natin ang mining industries dito sa Pilipinas na siya namang lumulustay sa adbokasiya na linangin ang kalikasan.
html
Recommended Citation
De Guzman, B. N. (2022). Pagkakaingin: Isang pagsuway sa batas kalikasan o teka! Kanino?. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/6375
Disciplines
Agricultural and Resource Economics | Environmental Studies
Keywords
Burning of land—Philippines; Reclamation of land—Philippines; Mineral industries—Environmental aspects—Philippines; Environmental protection—Philippines
Upload File
wf_no
Note
Presented at the Seventh DLSU Arts Congress