Sino ang may hiya at sino naman ang wala? Paunang pagtitibay sa panukat ng hiya bilang isang pagpapahalaga

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Document Type

Book Chapter

Source Title

Isip: Mga Kaisipan sa Sikolohiya, Kultura, at Lipunang Pilipino

Abstract

Paano nga ba naiiba ang isang taong may mataas na pagpapahalaga sa hiya (may hiya) kumpara sa isang taong mababa ang pagpapahalaga dito (walang hiya)? Upang masagot ito, nagsagawa ng dalawang pag-aaral na may dalawang pangunahing layunin: (1) bumuo ng isang matatag at mabisang Panukat ng Hiya bilang isang Pagpapahalaga (PHP) at (2) tukuyin ang empirikal na kaugnayan ng hiya sa mga ugali (trait), saloobin (attitude), at kilos na lumalabag sa panuntunan ng lipunan (norm violation). Sa parehong pag-aaral, sumagot ng online questionnaire ang mga kalahok. Alinsunod sa mga naunang pagdalunat sa hiya bilang pagpapahalaga (e.g. Enriquez 1992), binigyang-kahulugan ito bilang pagsasaalang-alang sa mga iisipin at mararamdaman ng ibang tao bago ang ano mang pagkilos. Mula rito, lumikha sa unang pag-aaral ng mga aytem na susukat sa hiya. Nirebesa ito sa ikalawang pag-aaral. Matatag ang mungkahing bersyon ng PHP na may 16 na aytem (a = .89). Tinasa ang bisa nito sa pamamagitan ng pagpapakita na may pagkakatangi ang hiya sa mga ugaling tulad ng agreeableness at social desirability (SD). Nakita ring may kontribusyon ang hiya sa pagpapaliwanag ng mga norm violation na iba at higit pa sa kayang ipaliwanag ng mga ugali. Tinalakay ang posibilidad na may (1) inhibitory at accommodative function ang hiya at (2) dalawa ang dimensyong pumapailalim dito (hiya sa hindi ibang tao at hiya sa ibang tao).

html

Disciplines

Psychology

Keywords

Shame

Upload File

wf_no

This document is currently not available here.

Share

COinS