May bisa 'yan!: Ang kosepto ng bisa sa anting-anting at sanghiyang ng Medez, Cavite
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Document Type
Archival Material/Manuscript
Publication Date
2019
Abstract
Nilayon ng papel na itong tingnan and kosepto ng bisa mula kahulugan hanggang sa pagdalumat sa pinanggagalingan at bumubuo sa paniniwala sa bisa. Kasing-kahulugan ng bisa ang banal, kapangyarihan, at potensiya. Tiningnan din ang ugnayan ng pinagdaanan ng relihiyon sa Pilipinas mula sa tradisyonal na relihiyon hanggang sa inkulturasyon nito sa Katolisimo upang masipat ang bumuo sa paniniwala sa bisa.
Sa pamagitan ng mga impormasyong nakalap sa panayam sa ilang susing tao sa Mendez, Cavite sinipat ang bisang nakapaloob sa anting-anting at ritwal ng sanghiyang. Napag-alamang may iba’t-ibang uri ng anting-anting na nakaayon sa pagtamo ng bisa nito. Samantala, naipakita ng sanghiyang ang ritwal na nagkakaroon ng ugnayan ang nakikita at hindi nakikita. Sa huli, ang Diyos ang pinanggagalingan ng bisa sa tulong ng mabuting loob, paniniwala, at aksyon makakamtan ang bisa.
html
Recommended Citation
Anastacio, D. S. (2019). May bisa 'yan!: Ang kosepto ng bisa sa anting-anting at sanghiyang ng Medez, Cavite. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/5790
Disciplines
Sociology of Culture | Sociology of Religion
Keywords
Talismans—Philippines; Folk religion—Philippines; Rites and ceremonies—Philippines—Cavite
Upload File
wf_no