Wikang Magbukon: Ambag sa pagpapaunlad ng wikang pambansa

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Document Type

Conference Proceeding

Source Title

Exploring Possibilities in K-12 Teaching and Research: Interdisciplinary Innovations in Language and Culture

Publication Date

8-2015

Abstract

Sa pangkaraniwang pagtingin, may dalawang maaring kahulugan ang “art.” Ang una ay may kinalaman sa extension ng konseptong art o mga halimbawa nito (Acuna, Andrecito, Jr. Philosophical analysis. University of the Philippines Press, 2004). Tinutukoy dito kung anong uri ng art ang pinag-uusapan. Maaaring ito ay painting, sculpture o installation art. Ang mga halimbawa ng art na nabanggit ay naglalahad ng kakanyahan nito at pagkakaiba-iba. Ang pangalawa ay may kinalaman sa “intension” ng koseptong art o mga katangiang nagbubukod sa art sa mga hindi art (Acuna, 2004). Para sa ilan, ang ibig tukuyin dito ay ang “esensya” ng art. Sinisikap na intindihin kung ano ang mahalaga sa art na hindi matatagpuan sa hindi art. Ang “kaartehan”, sa pagtukoy na ito, ang nagbibigay ng kakaibang kahalagahan sa lahat ng art dahil sa kanilang pagkabilang sa isang espesyal na uri. Ang papel na ito ay pagpapaliwanag ng isang balangkas tungo sa pagkakaintindi ng “kaartehan.” Kung mas nabibigyan ng kahulugan ang tao dahil sa pagkatao nito, nabibigyan din ng mas malalim na anyo ang art sa pagkaunawa ng “kaartehan” nito. Upang malinawan ang ibig sabihin ng “kaartehan”, sinusuri ang pagkakaiba ng art sa mga bagay at likha ng tao na madali nating matatanggap na hindi art. Dalawang aspeto ng art ang ilalahad: ang una ay ang aspeto ng kalayaan sa art at ang pangalawa ay ang kapayapaang dulot nito. Sa pamamagitan ng dalawang aspetong ito, nagagawang patingkarin ang kahulugan ng “kaartehan” ng art. Nakikita sa balangkas na ginagawa rito kung paano pinapakahulugan ang dalawang aspeto ng “kaartehan” ng art: ang kalayaan na dulot sa audience ng at kapayapaan sa kalooban ng artist. Sa pamamagitan nito, higit nating nauunawaan ang lugar ng art sa buhay ng tao.

html

Disciplines

South and Southeast Asian Languages and Societies

Keywords

Magbukon language; Philippine languages; Aeta (Philippine people)—Languages

Upload File

wf_no

This document is currently not available here.

Share

COinS