Talang pambayan ng pananampalataya ng mga Lipenyo sa Ina ng Laging Saklolo
Added Title
DLSU Arts Congress (5th : 2012)
Remembering the past, living the present, creating the future
College
Br. Andrew Gonzalez FSC College of Education
Document Type
Conference Proceeding
Source Title
Proceedings of the 5th DLSU Arts Congress
Publication Date
2012
Abstract
Ang papel na ito ay isang presentasyon ng mga karanasan sa pananampalataya ng mga Lipenyo sa Ina ng Laging Saklolo. Ang bayan ng Lipa ay kilala sa pagkakaroon nito ng mga relihiyosong tao ayon na rin sa bansag rito na Little Rome ng Pilipinas kaya minarapat ng mananaliksik na magsagawa ng isang pag-aaral kaugnay sa kanilang mga karanasan sa kanilang pananampalataya. Isa sa mga santo na pinag-uukulan nila ng debosyon ay ang Mahal na Birheng Ina ng Laging Saklolo na itinututing nilang tagapamagitan at tagapag-ugnay nila kay Kristo. Ang Ina ng Laging Saklolo ay itinuturing nilang tunay na ina sa buhay. Makikita sa mga Lipenyo ang marubdob na pananampalataya at paniniwala sa pagtulong sa kanila ng Mahal na Ina at makikita ito sa napakaraming tao na dumarayo, nag-uukol ng panalangin at nagbibigay ng paglilingkod sa Mahal na Ina. Karamihan sa mga deboto ay nagkakaroon ng debosyon sa Mahal na Ina dahil sa kanilang personal na kahilingan gayundin ang ispiritwal na mga pangangailangan para sa kanilang sarili, pamilya at mahal sa buhay. Ang kanilang malalim na pananampalatay sa Mahal na Ina ng atensyon sa pamamagitan ng paglilingkod rito. Nagsasagawa sila ng mga panata bilang simbolo ng kanilang pasasalamat sa lahat ng mga biyaya na ipinagkaloob sa kanila. Gamit ang pakikipanayam at obserbasyon ay nalaman ng mananaliksik ang mga karanasan ukol sa debosyon ng mga Lipenyo sa Ina ng Laging Saklolo na siyang nagpapaptibay sa kanilang pananampalataya. Nalaman rin ng mananaliksik ang mga dahilan ng lumalalim na debosyon ng mga Lipenyo sa Ina ng Laging Saklolo na masasabing mga tunay na karanasan ng malalim na panannampalataya.
html
Recommended Citation
Casabuena, J. M. (2012). Talang pambayan ng pananampalataya ng mga Lipenyo sa Ina ng Laging Saklolo. Proceedings of the 5th DLSU Arts Congress Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/4156
Disciplines
Catholic Studies
Keywords
Mary, Blessed Virgin, Saint—Devotion to--Philippines--Lipa City; Perpetual Help, Our Lady of
Upload File
wf_no
Note
Theme: Remembering the past, living the present, creating the future