Ang pag-ibig bilang higit na pagtuklas sa pag-iral sa karanasang maka-Pilipino
Added Title
DLSU Arts Congress (2010)
The continuing relevance of Philippine culture and arts
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Philosophy
Document Type
Conference Proceeding
Source Title
Proceedings of the 2010 DLSU Arts Congress
First Page
105
Last Page
110
Publication Date
2-17-2010
Abstract
Sa paghahanap ng Pilipino sa katuturan ng kanyang pag-iral, laging tumatambad sa kanya ang isang katotohanan: kamatayan, ang hantungan ng paghahanap ng tao sa kanyang kahulugan. Subalit para sa Pilipino at sa kultura nito, ang kamatayan ay hindi naman talaga trahedya. Ito ay hindi lamang hantungan ng buhay ng tao at kasa-kasama na ito ng tao. Para sa mga Pilipino, mayroong nagbibigkis sa namatay at namatayan.: at iyon ay pag-ibig, ang tulay na nagdurugtong sa kapanganakan at kamatayan ng isang tao.
Malaki nga ang papel na ginagampanan ng pag-ibig sa pag-iral ng Pilipino. Bawat Pilipino ay may pinag-aalayan ng kanilang mga pagsisikap at ito ay ang kanilang iniibig o ang obheto ng kanilang pag-ibig. Para sa mga bayani ng bayan, ang pag-ibig sa sariling bayan ang batayan ng kanilang pag-aalay-buhay na nakabatay naman sa katotohanang una na tayong inibig at nakatanggap ng pag-ibig sa ating bayan.
Para sa mga nakararaming Pilipino, sa pag-ibig nagpapatuloy ang ating mga loob, dumarami ito at nasasalamin pa sa mga pinagkalooban natin ng kabutihang loob. Ang pag-ibig ang tulay sa pagitan ng pagsilang at kamatayan. Ito rin ang tulay na nagdurugtong sa buhay ng mga taong iniwanan na ng kanilang mga mahal sa buhay at ng mahal sa buhay na sumakabilang buhay na. Nagiging ganap ang pagkatao ng tao dahil sa pag-ibig sapagkat ito ang nagpapanatiling buhay sa tao. Hindi namamatay ang tao kapag siya'y umibig at iniibig. Nagpapatuloy siya sa mga relasyon o ugnayang iniwan niya. At ang relasyong ito ang hidgit na nagpapatirik sa kanyang pag-iral bilang isang tao, bilang isang Pilipino.
html
Recommended Citation
Aranilla, M. C. (2010). Ang pag-ibig bilang higit na pagtuklas sa pag-iral sa karanasang maka-Pilipino. Proceedings of the 2010 DLSU Arts Congress, 105-110. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/4067
Disciplines
Philosophy
Keywords
Ontology; Existentialism; Love; Patriotism--Philippines
Upload File
wf_no
Note
Theme: The continuing relevance of Philippine culture and arts