Ang lenggwaheng makalalaki sa sa babaeng misteryosa: Ilang pakahulugan sa imahen ng salita
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Document Type
Other
Physical Description
14 leaves
Abstract
Isang kapangyarihang likas sa tao ngunit problematik-- ang lenggwahe. Ayon kay Chomsky (1981) bawat tao ay may kani-kaniyang "language organs" na siyang responsable sa pagkatuto ng bawat indibidwal ng wika. Sinusugan din ito ni Pinker (1994) ng kanyang sabihing "instinct" ang naguudyok sa tao upang gumamit ng wika. Sa madling sabi, bahagi ng pagiging tao ang wika. Gayunpaman, kakatwang isipin na ang lenggwaheng ito ay walang sariling kakayahang magtakda ng kanyang distink na katangian at papel na gagampanan sa lipunan. Bunsod ng kahinaang ito ng lenggwahe, mabilis itong nasamantala upang magkaroon ng higit na kapangyarihan o mapaboran ang isang gender. Ito, sa aking palagay, ang ugat ng seksismo sa wika. Naniniwala akong batid ng dalawang gender ang kapangyarihang taglay ng wika. Ngunit bakit sa mga umiiral na salita sa ating lenggwahe ay mas nakalalamang ang mga salitang derogatori na kalimitang ikinakapit sa babae? Mas maraming leybel na nakasisirang-puri, kundi man nakapagpapababa ng pagkatao ng mga babae.
html
Recommended Citation
Buban, R. S. (2021). Ang lenggwaheng makalalaki sa sa babaeng misteryosa: Ilang pakahulugan sa imahen ng salita. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/4059
Disciplines
South and Southeast Asian Languages and Societies
Keywords
Sexism in language--Philippines; Filipino language—Sex differences
Upload File
wf_no