Pinare-Pinas: Pananaw at pagpapahalaga ng mga Pilipino sa sining biswal

Added Title

Pinta-arkitektura-eskultura-Pinas

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Document Type

Conference Proceeding

Source Title

DLSU Research Congress 2019

Publication Date

6-2019

Abstract

Ang PINARES (PINta-ARkitektura-ESkultura) ay bahagi ng masining na pamumuhay ng isang lipunan. Itinuturing na mabisang daluyan ng ekspresyon ng mga ideya, nararamdaman, interpretasyon ng pangyayari at danas ng indibidwal at komunidad. Walang unibersal na kahulugan ang sining. Iba-iba ang lebel ng pagpapahalaga at pagtingin sa sining na naaapektuhan nang malaki ng konteksto ng lipunan kung saan ito nililikha at tinatangkilik. Sa Pilipinas, mababatid na maraming isyu ang umuusbong hinggil sa pagpapahalaga nito. Ayon kay Guillermo, may tatlong salik na nakaapekto sa hindi pagkakapantay-pantay ng lipunang Pilipino pagdating sa sining— 1) Estado sa lipunan at ang pagkakaiba ng edukasyon at oportunidad; 2) Pagkakaiba ng lungsod at probinsya; at 3) Pluralistikong karakter ng lipunang Pilipino. Sa kabuuan, malaki ang epekto ng estado sa lipunan at heograpikong lokasyon sa pagpapahalaga ng sining sa bansa. Ginamit ng mga mananaliksik ang mga nabanggit na mga salik bilang konseptwal na saligan sa pagtakay sa problemang kinahaharap ng sining-biswal ng Pilipinas. Sa tulong ng mga datos mula sa mga umiiral na pananaliksik, estadistika, at sarbey na ipinadala sa mga piling guro at mag-aaral, natukoy ng mga mananaliksik na ang sining ay pang-elitista dahil sa mataas na halaga nito sa auction houses. Gayundin, natagpuang kulang sa kasanayan at kaalaman ang mga guro na nagtuturo sa sining at sanhi na rin ng pagbaba ng interes ng mag-aaral pagdating sa pinta, arkitektura, at eskultura. Maliban dito, mababa naman ang kasalukuyang bilang ng mga museo lalo na sa mga probinsya na mahalaga sa pagpapanatili ng kultura, tradisyon, at identidad ng mga Pilipino.

html

Disciplines

Arts and Humanities

Keywords

Art appreciation—Philippines; Art—Study and teaching—Philippines

Upload File

wf_no

This document is currently not available here.

Share

COinS