Ang konsepto ng "pagsasaayos" bilang panimulang postkolonyal ng pagdalumat pulitikal sa panahong postmoderno
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Political Science
Document Type
Article
Source Title
Diwa E-Journal
Volume
2
Issue
1
First Page
21
Last Page
44
Publication Date
11-2014
Abstract
This paper offers the theory of “pagsasaayos” as a base political discourse that is more nuanced to the consciousness of the Filipino, which is also being argued to possess characteristics of the postmodern. Hence, it is an attempt to link postmodern theory to post-colonial discourses, which may appear contradictory but could in fact have more grounding if one simply looks at the realities of ordinary and everyday experiences of how we put order into our lives. The theory of “pagsasaayos” reveals a new domain in understanding power relations in Philippine society. This theory is consistent with the reality that the process of nation-building in Philippine society is confronted by a pluralism of identity positions. This then becomes a base for the operationalization of “kapwa.” It also embodies the fact that the concepts of the state and nation are not natural in the ordinary consciousness of the Filipino. Instead, the source of social and political order lies in the sense of community, where we are able to maintain our positions of otherness and difference according to our sense of “pakikipagkapwa.” Furthermore, “pagsasayos,” and its translation into other Filipino languages such as “pagpapakarahay” in Bikolano or “pag-aayo” in Cebuano, is a more appropriate construct for maintaining social order, as it is able to embody the ethical dimensions associated with acts of giving, empathy and pursuing the good.
Inihahain ang papel na ito bilang panimulang pagtatangka at upang pag-aralan ang konsepto ng “pagsasaayos” bilang pangunahing diskursong pulitikal na angkop sa diwa at kamalayan ng Pilipinong sa simula pa, bago pa nabigyan ng pangalan ng Kanluran, ay meron nang angking kakanyahang matatawag natin na postmoderno. Isa itong pagpupunyagi na itulay ang isang postmodernong pananaw sa konteksto ng isang postkolonyal na diskurso, isang tila kontradiksyon subali’t maaaring maisakatuparan sa pamamagitan ng pagtingin sa pang-araw-araw na daloy ng kung paano natin isinasaayos ang ating mga buhay. Ang konsepto ng “pagsasaayos” ay nagpapalitaw ng maraming usapin na maaaring magpabago sa kaparaanan kung papaano natin inaaral at dinadalumat ang mga ugnayan ng kapangyarihan sa Pilipinas. Ang pagkilala sa “pagsasaayos” bilang pangunahing prosesong pulitikal ay angkop sa mga sitwasyong ang ugnayan ng kapangyarihan na kumikilos sa konteksto ng pagbubuo ng pamayanan ay nagmumula sa iba’t ibang katayuan at pagkatao. Dito nagiging matingkad ang pagiging totoo, at hindi lamang kathang-isip, ng konsepto ng kapwa, lalo pa’t ang kaibahan na nakikita sa pakikipag-ugnay sa mga ibang tao ay hindi balakid sa pagbubuo ng pamayanan, bagkus ito ay nagbibigay ng pagkakataon na pairalin ang pakikipagkapwa. Sa mas mataas na antas ng pagdalumat, lalong tumitingkad ang patunay na hindi likas sa kamalayan ng Pilipino ang konsepto ng estado (“state”) at nasyon o kabansaan (“nation”). Bagkus, mas lantay sa ating pananaw sa mundo ang komunidad o pamayanan (“community”) na kung saan ang pagpapanatili ng kaibahan, at pakikibagay na ayon sa konsepto ng pakikipagkapwa ay mas likas. Ang konsepto ng “pagsasaayos,” lalo na ang salin nito sa ibang wika katulad ng “pagpapakarahay” sa Bikolano o “pag-aayo” sa Cebuano, ay mas angkop na proseso sa pagpapanatili ng kaayusan sa lipunan sapagkat ito ang kumakatawan sa diwa ng kapwa at pakikipagkapwa na ayon sa etikal na dimensyon ng pagbibigayan, pakikiramdam, at pagpapakabuti.
html
Recommended Citation
Contreras, A. P. (2014). Ang konsepto ng "pagsasaayos" bilang panimulang postkolonyal ng pagdalumat pulitikal sa panahong postmoderno. Diwa E-Journal, 2 (1), 21-44. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/15047
Disciplines
Political Science | Social and Behavioral Sciences
Keywords
Postcolonialism—Philippines; Political science—Philosophy
Upload File
wf_no
Note
No pdf available
Full-text available at https://www.pssp.org.ph/diwa/diwa-e-journal-tomo-2-bilang-1-nobyembre-2014-ang-konsepto-ng-pagsasaayos-bilang-panimulang-postkolonyal-pagdalumat-pulitikal-sa-panahong-postmoderno/