Usapang HIV at sex: Paglalarawan at pagsusuri sa pananaw at gawi ng mga mag-aaral sa kolehiyo
College
College of Liberal Arts
Document Type
Article
Source Title
LPU- Laguna Journal of Multidisciplinary Research
Volume
4
Issue
4
Publication Date
9-2016
Abstract
Noong 2008 ay isa lamang kada araw ang naitalang bagong kaso ng HIV (DOH). Nakababahala ang patuloy nitong pagtaas. Pumalo na sa 22 ang bagong kaso ng HIV kada araw para sa taong 2015. Ang pananaliksik na ito ay tugon sa lumalalang kalagayan ng HIV sa bansa. Sa partikular, layunin na mailarawan at masuri ang pananaw at gawi ng mga mag-aaral sa kolehiyo matapos silang makatanggap ng pormal na aralin sa paksang sex, HIV, at iba pang uri ng STIs. Pagkatapos makalap ang datos gamit ang questionnaire, isinagawa ang tekstwal na pagsusuri ng mga sagot mula sa kabuuang 41 na mga kalahok. Natagpuan na komportable ang mga mag-aaral sa kolehiyo sa mga usapin. Napaigting pa ang kanilang pagiging bukas matapos ang talakayan ng mga ito sa klase. Kinikilala ng mga kalahok na mahalaga ang pag-aaral ng mga nabanggit na paksa dahil naniniwala sila na ang mga kabataan, lalo pa ang mga nasa kolehiyo, ay mapupusok. Sinuri ang mga epekto ng pag-aaral ng sex, HIV, at iba pang uri ng STIs ayon sa pananaw at desisyon ng mga kalahok. Dominanteng tema ang pag-iingat, sa pamamagitan ng paggamit ng condom, upang mapigilan ang pagkakaroon ng HIV. Sumunod dito ang pagpapaliban ng pakikipagtalik, habang pangatlo ang pagiging tapat sa karelasyon.
html
Recommended Citation
Labayandoy, M. L. (2016). Usapang HIV at sex: Paglalarawan at pagsusuri sa pananaw at gawi ng mga mag-aaral sa kolehiyo. LPU- Laguna Journal of Multidisciplinary Research, 4 (4) Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/14789
Disciplines
Gender and Sexuality
Keywords
HIV infections—Philippines; Sex instruction—Philippines; College students—Sexual behavior—Philippines; Sexually transmitted diseases—Philippines
Upload File
wf_no