Tayo na sa Wika'Skwela: Ang papel ng sining sa pagkatuto ng wikang Filipino ng mga bata at kabataang Pilipino sa Venezia, Italya

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Document Type

Conference Proceeding

Source Title

DLSU Research Congress 2019

Publication Date

2019

Abstract

Ang pangingibang-bayan o penomenon ng diaspora and isa sa iilang natitirang pamamaraan na nakikita ng maraming pamilyang Filipino para sa panlipunang mobilidad sa kasalukuyang panahon. Sa loob ng ilang dekada, ang pagpapaigting sa polisiya ng labor export ng pamahalaan, ang nagtulak sa marami nating kababayan na maghanap ng kabuhayan sa labas ng bansa. Nilalayon ng papel na ito na dalumatin ang naging karanasan ng mga mananliksik sa kanilang pakikipag-ugnayan sa komunidad ng mga Pilipinong naninirahan sa Venezia, Italya at pagtuturo ng wika at kulturang Filipino sa mga bata at kabataang miyembro nito. Sa tatlong taon ng pagpapatupad ng Manunggul Jar Project: Programang Pang-edukasyon sa Wika at Kulturang Pilipino na proyekto ng Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle, ibabahagi ng dalawa sa mga naging guro ang kanilang karanasan sa paggamit ng sining sa pagtuturo ng wikang Filipino ay pagpapakilala ng kulturang Pilipino sa mga pangalawa hanggang pangatlong henerasyon ng mga Pilipinong naninirahan na sa Italya. Gamit ang penomenolohikal na pagsusuri sa kanilang karanasan, nakita ng mga mananaliksik ang malaking papel na ginagampanan ng sining sa integrasyon nito sa pedagohiya at pagtuturo sa mga bata at kabataan. Napagtanto sa pag-aaral na ito na ang mga ginamit na estratehiya at dulog sa pagtuturo ng mga guro gamit ang iba't ibang anyo at genre ng sining at literatura, mula sa mga aktibidad nito, ay nakatulong ng malaki sa pagpapakilala sa mga bata at kabataang lumaki at mas pamilyar sa wika at kultura ng bansang Italya.

Migration has been one of the remaining hopes of many Filipinos to social mobility in these trying times. In the past decades, the intensification of labor export policy of the Philippine government has been driving Filipinos to diaspora. This paper aims analyze the experiences of the researchers in living with Filipino migrant communities in Venice, Italya while teaching Filipino language and culture to the youngsters and the kids of the said communities. In relation to the three year implementation of the Manunggul Jar Project: An Educational Program on Language and Culture of the Filipino Department of the De La Salle University-Manila, the two years of the program will share their experiences of utilizing the arts in teaching Filipino language and introducing Filipino culture to second and third generation of Filipino migrants in Italy. Using the phenomenological approach, this paper has realized that the integration of the arts play an important role in the pedagogy and teaching to the youngsters and the kids. The study found out that the strategies and approaches in teaching which used different genre of the arts has been an efficient way of teaching language and culture.

html

Disciplines

South and Southeast Asian Languages and Societies

Keywords

Filipino language—Study and teaching—Italy; Children of migrant laborers—Education—Italy; Foreign workers, Filipino—Philippines

Upload File

wf_no

This document is currently not available here.

Share

COinS