Patis: Isang kasaysayan ng industriya ng patis sa lungsod ng Navotas, 1970-2017
College
College of Liberal Arts
Document Type
Article
Source Title
DLSU Research Congress 2018
Publication Date
2018
Abstract
Ang lungsod ng Navotas ay itinuturing na “Fishing Capital of the Philippines” dahil sa mahalagang gampanin nito sa industriya ng pangingisda sa Pilipinas. Kaya karamihan sa mga industriyang matatagpuan sa lungsod ay mayroong kinalaman sa pangingisda katulad na lamang ng pagpapatis. Naging isang kultural na simbolo ng lungsod ang patis dahil sa kalidad nitong angat kumpara sa mga karatig nitong lungsod at rehiyon. Ngunit noong 1970’s ay nagsimula ang industriyalisasyon sa mga industriya sa Kamaynilaan na naging batayan ng kalidad at sanitasyon sa mga lokal na produkto sa Pilipinas. Dahil rito, karamihan sa mga lokal na industriya ay kinailangang makisabay sa pagbabagong ito upang manatili sa industriya at pamilihan. Ngunit sa pagdaan ng mga taon dahil sa kawalan ng sapat na kapital, tulong mula sa lokal na pamahalaan at edukasyon sa pagbabagong hatid ng modernisasyon, karamihan sa mga nagpapatis sa lungsod ay napilitang magsara at maghanap na lamang ng ibang trabaho sa mga lungsod na nakasabay sa pagbabagong ito. Ang suliraning ito ang pangunahing dahilan sa pagtamlay ng lokal na industriya ng pagpapatis sa lungsod ng Navotas na sa kasalukuyang panahon ay unti-unting nang nawawala. Sa pag-aaral na ito, susuriin at tatasahin ang naging kahalagahan ng industriya ng patis sa pagkakakilanlan, kultura at kasaysayan ng lungsod ng Navotas. Gamit ang iba’t ibang primarya at sekondaryang sanggunian, pag-uugnayin ang simulain ng industriya ng patis hanggang sa kasalukuyan nitong estado. Mula rito, matataya ang iba’t ibang salik na naging dahilan sa unti-unting pagtamlay ng industriyang kinalakihan sa lungsod at magiging susi upang maunawaan ang kultural nitong halaga. Ang iba’t ibang pangyayari at pananaw na makikita sa pananaliksik ay makatutulong upang ipabatid sa mambabasa na ang ugnayan ng tao, lipunan at tradisyon ang bumuo sa kultural na simbolo ng industriya ng patis sa Navotas na nakatanim na sa kalinangan ng lungsod at hindi dapat kalimutan dahil lamang sa modernisasyon. Sa huli, layunin ng pag-aaral na ipaalam sa lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng patis sa kasaysayan at kabuhayan ng Navotas na nagbigay ginhawa at pagkakakilanlan sa marami nitong residente sa mahabang panahon. Mahalagang ipagpatuloy ang tradisyonal na paraan ng pagpapatis upang hindi tuluyang mawaglit sa kaalamang bayan ng lungsod ang mayamang nitong industriya at pagkakakilanlan.
html
Recommended Citation
Malquitar, J. L., Hernandez, C. A., Ramos, C. V., & Egipto, M. D. (2018). Patis: Isang kasaysayan ng industriya ng patis sa lungsod ng Navotas, 1970-2017. DLSU Research Congress 2018 Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/14698
Keywords
Fermented fish—Philippines—Navotas; Navotas (Philippines)—History
Upload File
wf_no