Apung Mamacalulu: Ang Sto. Entierro ng Pampanga
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Document Type
Article
Source Title
Dalumat eJournal
Volume
4
Issue
1-2
First Page
1
Last Page
13
Publication Date
2013
Abstract
Mahalaga ang gampanin ng ispiritualidad sa sikolohikal na kalayan ng isang tao (Corrigan, McCorkle, Schell, & Kidder, 2003; Boswell, Kahana, & Anderson, 2006; Powers, Cramer, & Grubka, 2007). Masasalamin ang ispiritualidad ng mga Pilipino sa iba’t ibang nakagawian na nila sa kanilang relihiyon. Sa mga relihiyosong aktibidades ng mga Pilipino, pangkaraniwan na ang magkaroon sila ng isang debosyon depende sa kanilang lugar. Isa sa mga prominenteng debosyon sa Pilipinas sa tradisyon ng Romano Katolikong Kristiyano ay ang debosyon sa Sto. Entierro. Tatalakayin ng kasalukuyang pananaliksik ang isang debosyon sa Pampanga kay Apung Mamacalulu. Ito ay isang debosyon na nakaugnay din sa kamalayan at kultura nating mga Pilipino. Nagsagawa ng sarbey ang mananaliksik upang malaman ang mga ginagawa ng mga deboto sa Shrine ni Apung Mamacalulu. Inalam din ng mananaliksik ang mga rason kung bakit sila nagdedebosyon kay Apu at kung ano ang naidudulot nito sa kanilang buhay. Ginawan ng kwalitatibong analisis ang datos. Pinapakita ng mga resulta na ang mga pumpunta sa Apu ay tinitiyak na mahawakan ang imahen, nagsisimba, nagkukumpisal at nagtitirik din ng mga kandila. Sila ay nagdedebosyon para humingi ng tulong at gabay kay Apu pati na rin ang magpasalamat sa kanya sa mga biyayang natatanggap nila. Ang debosyon ay nagdudulot ng kaginhawaan sa kanilang buhay at mas malakas na pananampalataya. Tinalakay ang mga resulta gamit ang Sikolohiyang at Kamalayang Pilipino.
html
Recommended Citation
Yabut, H. J. (2013). Apung Mamacalulu: Ang Sto. Entierro ng Pampanga. Dalumat eJournal, 4 (1-2), 1-13. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/14198
Disciplines
Anthropology | Social and Cultural Anthropology
Keywords
Devotion; Catholic Church — Philippines
Upload File
wf_no